"Babe! Babe!" dinig kong sigaw ni Pia.
Tumingin naman ako sa kanya at nakita ko siyang patakbo sa kinaruruunan ko.
"Babe! What are your plans for your 20th birthday? Bukas na 'yun ah!" sabi niya at pinulupot ang kamay niya sa braso ko.
"I don't know babe. You know I don't like parties and the like. A simple family dinner nalang siguro with Dad and Mom." Sabi ko sa kanya at sabay na kaming naglakad papasok sa Anonymous University kung saan kami nag aaral ni Pia.
Nag pout naman ang loka loka na parang may pinapahiwatig.
"And of course kasama ka doon noh. Hindi ka naman pwedeng mawala sa special na araw sa buhay ko" natatawang sabi ko.
"I thought you will forget me na gaga ka. May Paris talaga akong hindi papansinin for the whole year" natatawang sabi ni Pia.
Don't get us wrong guys, Pia is my ultimate bestfriend since the age of 7. Magkapit-bahay din kami sa subdivision na tinitirhan namin. Besides she knew I'm gay for pete's sake kaya hindi pwede ang iniisip niyo! We just call each other "babe" at walang special na feelings ang namamagitan sa aming dalawa. As a matter of fact I do have a boyfriend! Yes! A handsome and a hunk boyfriend! HAHA.
The name's Paris Ayala, 19-years old and turning 20 bukas. Only child lang ako, nag try sina Mommy Jane and Daddy Rafael na magka anak uli but unfortunately hindi na sila mabigyan bigyan.. They even went to a specialist para mag pa test but even Science cannot explain kung bakit hindi mabuntis buntis uli si Mom. Hindi naman sila baog ni Daddy kaya nagtataka din sila.
"What gift do you want babe?" bumalik ako sa kasalukuyan nang mag salita uli si Pia.
"I don't know. It's up to you babe." sagot ko habang naglalakad kami sa may hallway.
"Yea, it's really up to me of course. Hindi ko alam kung ano ba talagang ibibigay ko sayo. Gadgets? E ang latest model ng iPhone at iPad meron kana. Xbox? Meron kana din? Hoverboard meron kana din? Lahat nalang ata ng mga bagay sa mundo meron kana, kung totoo lang ang magic wand nag order na ako sa lazada at zalora. HAHA"
Medyo natawa din ako sa sinabi ng bestfriend kong si Pia. "Well, h'wag ka nalang kasi mag abala pa babe. Ang imporante nandoon ka sa dinner namin." sagot ko kay Pia.
"Nah, kailangan babe. May ego din ako no. Nung birthday ko binigyan mo ko ng latest na MacBook Air dahil pang chipepay lang 'yung laptop ko. Hiyang hiya naman ako sa yaman niyo. HAHA"
"HAHA! Basta babe kahit ano. Mas prefer ko ngayon 'yung personalized na galing sa'yo. Mas ma-aapreciate ko 'yun." sabi ko kay Pia "Anyway, I'd be going now. See you later babe" dagdag ko at nag beso kami dahil mag hihiwalay na kami ng lakad sa hallway, pa right siya pa left naman ako.
*Krrriinnnggggg*
Nang tumunog ang first bell which indicates our first break for this morning ay inayos ko na ang libro, notebook at ballpen na ginamit ko para ipasok sa bag.
After maayos lahat ng gamit ko ay naglakad ako papunta sa locker area para kunin ang libro na gagamitin sa next subject at para iwan na din ang iba pang gamit sa bag ko na hindi gagamitin sa susunod na subject.
Matapos gawin 'yun ay agad na din naman akong naglakad palabas sa locker area nang makasalubong ko sina Trixie and her bitches.
I know that you guys knew na hindi talaga mawawala ang mga bully na studyante especially sa mga University na pangmayaman. Anonymous University is ranked #2 sa pinakasikat na University sa buong mundo. Yes INTERNATIONAL. Pero sorry guys hindi ako 'yung tipong tao na kalimitang nababasa niyo na kapag binubully ay hindi lumalaban. Hindi sila ang nagbayad ng tuition fee ko dito so they don't have the right to step at me.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...