| KiRKUS |
"Sabihin mong hindi sa akin ang supling na iyan!" Sigaw ko kay Azura habang lumalapit sa kanya at sinakal siya.
Napahawak si Azura sa aking kamay at nakikita ko ang paghihirap ng kanyang mukha.
"Kirkus tama na!!" Sigaw ni Ravi ngunit hindi ako nakinig sa kanya.
Lumapit si Ravi sa amin at hinawakan ang kamay ko at bigla nalang akong napabitiw kay Azura dahil naramdaman ko ang malakas na kuryenteng dumadaloy sa kamay ni Ravi; Matutumba na sana si Azura ngunit nasalo siya sa mga bisig ni Ravi.
"Ikaw ba ay nahihibang na Kirkus? Alam mong nagdadalang-maji siya!" Galit na sigaw niya. "Paano mong nasabi hindi sa iyo ang batang dinadala niya? Matanong nga kita Kirkus, may nangyari ba sa inyong dalawa? Kayo ba ay nagsiping?" Tanong ni Ravi.
Hindi ko masabi ang aking sagot dahil alam kong pagbalig-baliktarin man ang mundo, alam ko sa sarili ko na may nangyari sa amin ni Azura; Madali lamang sa mga maji ang magdalang-maji. Isang araw bago magtalik ang lalaki at babae ay makikita agad ang resulta nito.
"Bakit hindi ka makasagot Kirkus? Dahil totoo ba? Totoong may nangyari sa inyo?" Tanong sa akin ni Ama na siyang ikinatango ng aking ulo.
"Ngunit ama, dahil iyon sa kadahilanang akala ko'y mahal ko siya." Rason ko at nakatanggap ako ng malakas na sampal sa aking ama.
"Isa kang Raca!!" Sigaw ni ama. Raca na ang ibig sabihin ay hangal.
"Mahal man o hindi Kirkus ay ikaw pa rin ang ama ng kanyang dinadala!" Sigaw uli ni ama sa akin. "Ravi, pakihatid si Azura sa bakanteng silid sa itaas." Utos ni ama kay Ravi.
"Masusunod mahal na hari" Sagot ni Ravi at naglaho silang dalawa.
Hindi ko na alam ang aking gagawin. Pakiramdam ko ay anumang oras sasabog na ako dahil sa halo halong nararamdaman ko.
Pinaglaho ko ang aking sarili at napunta sa labas ng palasyo ng navalak.
"Isang maji!!" Sigaw ng isang navalak.
Napangisi ako dahil tama lang ang pagpunta ko dito.
"Mga hayop kayong lahat!!" Sigaw ko at nagpakawala ng bolang apoy.
Kinuha ko ang espada ng isang navalak at ginamit iyon para silay pagpaslang paslangin; Nakapasok na ako sa palasyo ng mga navalak at nasalubong ang kuta ng mga kawal.
Itinaas ko ang aking kanang kamay at itinutok sa kanila.
"Lapit!!" Sigaw ko sa mga kawal ngunit tumigil sila.
"Sinabi kong lumapit kayo!" Sigaw ko at nararamdaman ko na nagsisimula nang uminit ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...