| PARiS |
"Paris! Paris!"
Nagising ako at napabalikwas sa kama. Naramdaman ko din ang daming pawis na tumutulo sa noo.
"Pakiwari ko'y binangungot ka ata mahal ko."
Napatingin ako sa gilid at nakita ang maamong mukha ng pinakamamahal ko.
"Kirkus?" patanong na sabi ko at hinawakan ang magkabilaang mukha niya. Tiningnan ko din ang leeg niya para tingnan ang sugat doon pero wala akong nakikita ni kahit anong galos sa kanyang leeg.
Niyakap ko ng mahigpit si Kirkus. Para akong batang iniwan ng mommy niya na kababalik lang galing abroad.
"Anong problema mahal ko?" Tanong niya at hinahagod ang likuran ko.
"K-Kung ganon, hindi totoong nag-usap kayo ni Amang Inferno tungkol sa pag-kumbinsi sa mga tikbalang na sumapi sa atin?" Tanong ko kay Kirkus sabay bitiw ng yakap ko sa kanya.
Nakita kong kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Nag-usap? Nino, ni ama? Mahal alam mong wala na si Ama hindi ba? Pinatay siya ni Ekran noong kinoronohan tayo."
Nang madinig ko ang pangalan Ekran ay napayukom ako ng mga kamao ko. Siya din kasi ang nakita ko sa panaginip ko'ng nag be-headed kay Kirkus.
"Paris, huminahon ka. Mahal ko, tingnan mo ako." Sabi ni Kirkus at hinawakan ang magkabilang mukha ko.
Doon ko napansin na sobrang lakas na ng apoy sa mga torches na nakasabit sa gilid na to the point ay masusunog na ang loob ng kwarto namin.
Tumayo si Kirkus at tinaas ang dalawang kamay niya at dahan-dahang humina ang apoy sa mga sulo.
"Hindi ko na kailangan kumbinsihin pa ang mga tikbalang na sumapi sa atin mahal ko dahil ibinigay nila ang katapatan hindi sa'kin kundi sa iyo." Sabi ni Kirkus na nakangiti.
Naramdaman ko ang hapdi ng kanang kamay ko at nung tingnan ko ito ay biglang lumabas ang puting ilaw na rosas. Bigla namang nahulog ang isang taluyot ng rosas.
Umupo si Kirkus at nakita ko ang guhit sa kanyang mga labi.
"Nasasabik na akong maging isang Ama, mahal ko." Sabi niya at hinawakan ang likod ng kamay kong nakataas.
"Kung ganon, mangako ka sa akin mahal ko na gagawin mong lahat upang manalo sa digmaang ito." Sabi ko sabay sarado ng aking kamay. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawawala ka sa amin. Hindi ko alam kung papa-ano ko palalakihin ang ating ana--"
"Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano mahal ko. Nagmumukha ka tuloy'ng walay bilib sa akin." Pilyo niyang ngiti.
Ngumiti ako at niyakap si Kirkus. "Salamat mahal ko. Panatag na ngayon ang loob ko."
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...