MAJiCA 30 -

4.8K 317 16
                                    

| PARiS |


Sobrang bilis naman ng mga pangyayaring ikakasal na si Kirkus sa makawala. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Masaya ako para sa kanya na malungkot ako para sa sarili ko. Basta! Hindi ko ma explain.


Tumingala ako sa langit at nakita ang mga makikinang na bituin. Ang ganda nila. Parang hindi normal ang pagkinang nila.


"Paris"


Tawag ng isang lalaking mahal ko.


Tumalikod ako para makita siya at ngumiti ako sa kanya.


"Bakit ikaw ay naririto? Hindi ka ba nilalamig?" Tanong niya at tumabi sa akin sa pag-upo sa malaking bato.


Nasa garden kasi ako sa palasyo nila Kirkus. Ewan ko, gusto ko lang talaga mag-emote. "Hindi nman ako nilalamig. 'Tsaka hindi pa kasi ako makatulog kaya tumambay lang muna ako dito." sagot ko sa kanya habang nakangiti pa rin, pero 'yung totoo sobrang sakit na sa loob ko.


Nagkatitigan kami ni Kirkus. Na-miss ko siya. Matagal-tagal ko na din siyang nakilala. Naiiyak ako habang nakatingin sa mukha niya. Masama na kung masama pero ayos lang naman na hindi maging kami eh, basta ba't alam kong nasa tabi ko lang siya. Na alam kong isang tawag ko lang sa pangalan niya ay alam kong darating at darating agad siya. 'Yung tipong magtatampo siya sayo kapag inaasar mo siya, 'yung gagawin niya lahat mapasaya ka lang. 'Yung wala siyang ibang ginagawa kung hindi siguraduhing ligtas ka. At higit sa lahat 'yung feeling ko na sobrang safe ako kapag kasama ko siya.


Hindi ko na napigilan at tuluyan ng bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.


"A-Anong nangyayari? B-Bakit ikaw ay umiiyak?" tanong niya at hinawakan niya ang magkabilang mukha ko at tinaas ka level sa mukha niya; Pinahiran niya ang mga luha ko gamit ang dalawang hintuturo niya.


Iniling-iling ko lang ang ulo ko sa tanong niya. "M-Masaya lang ako p-para sayo. Believe me, the first time I saw you I didn't expect I will love you this much. K-Kirkus I-I love you. *sob" sabi ko habang humahagulhol ng iyak. Alam kong hindi niya ito naiintindihan. Sinadya ko talaga 'yun dahil kahit papa-ano ay mabawasan ang sakit na nadarama ko dahil nasabi ko sa kanya ang gusto kong sabihin.


Niyakap ako ni Kirkus at dahil doon, lumakas pa lalo ang pagtulo ng mga luha ko. Niyakap ko siya pabalik, 'yung yakap ng pagpapa-alam.


"Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman Paris. Huwag kang umiyak dahil nasasaktan ako." Sabi niya.


Pinahiran ko nalang ang luha ko at kumalas sa pagkayakap sa kanya. Tumingin ako sa mga mata ni Kirkus at binigyan siya ng masayang ngiti.


"Ayos lang ako at --" hindi na ako natapos sa sasabihin ko nang.


"Mahal" tawag ni Azura mula sa likuran namin.


Lumingon kami sa likuran at nakita kong papalapit si Azura sa aming dalawa.


"Nariyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap dahil nagising akong wala kana sa aking tabi."


"Patawad Mahal ko, lumabas lamang ako para makasagap ng sariwang hangin." Sagot ni Kirkus sabay tayo at hinawakan ang kamay ni Azura.


"Ahm Kirkus, mauna na ako. Medyo inaantok na din kasi ako." Excuse ko kay Kirkus. Hindi ko na siya hinintay sumagot at pinaglaho ko na ang sarili ko.


Agad akong napunta sa kwarto ko kung saan mahimbing na natutulog si Nahamani. Inayos ko naman ang kanyang kumot at umupo ako sa kama at hinaplos-haplos ang buhok niya.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon