| PARiS |
Narating namin ang pinakadulo ng Yufrates. Sa pinakadulo, may parang isang bundok at may butas ang gitna nito. Ang butas ay parang nagsisilbing entrance sa loob.
Pumasok ang sinasakyan kong dragon sa butas habang si Eros naman ay nagpaiwan lamang sa itaas ng bundok dahil gusto niya daw magbantay kaya wala na din akong nagawa. Nilapag ako ng dragon sa gilid kung saan may semento; Nag bow ang dragon bago ito lumipad paalis kasama ang apat pa niyang mga kasama.
"Wow! Napakaganda dito Francess!" sobrang manghang sabi ko.
"Oo nga master!" nakangiting sagot ni Francess sa akin. "Alam mo ba na ang mga sirena ay ang utak ng Enca Majica master?" tanong ni Francess sa akin.
"Ha? Bakit? Paano mo nasabi?," tanong ko sa kanya.
"Dahil matataas ang IQ level ng mga sirena. Unang tingin lang nila sa iyo ay malalaman nila kung ikaw ba ay isang kalaban o kaibigan." Sagot ni Francess sa akin.
May nadinig akong parang nag splash at lumapit ako sa may tubig at tiningnan ang lalim. Medyo malalim nga talaga ang lake na ito.
Dahan-dahang lumalaki ang mga mata ko ng mapansin ang sirena na paahon na lumalangoy paitaas. Oh my gosh! Totoo nga talaga ang mga mermaids! Hindi lang ito basta myth!
Napa-atras ako ng tumalon siya sa tubig.
*SPLASH* tunog ng tubig pagkatapos niyang tumalon.
Lumapit siya sa akin at umupo sa kinatatayuan kong semento. Tiningnan kong mabuti ang kanyang mukha. Napakaganda niya. Gold ang kulay ng kanyang kilay at pati ng lips niya. Gold din ang kulay ng kanyang buntot. Sobrang kinang ng buntot niya na animo pwede nang isangla sa black market.
"Vos kod advocatos?" dinig kong sabi ng boses ng isang babae. Ang ganda ng boses na nagsasalita. Para siyang nag e-echo sa pandinig ko.
Tumingin-tingin ako sa paligid para tingnan kung sino ang nagsasalita at napatingin kay Francess na tinuturo ang magandang sirena sa harapan namin kaya tumingin ako sa kanya.
"Sema vo Hara Enca Majica," doon ko napansin na ang sirena pala ang nagsasalita. Akala ko kasi hindi siya ang nagsasalita dahil hindi bumubuka ang kanyang bibig.
"A-ako? Ako ba ang iyong kinakausap?" tanong ko sa kanya habang turo-turo ko ang aking sarili.
"Kod vestra noman?" Sabi niya.
Hindi ko alam kung nagtatanong ba siya o ano dahil hindi ko siya maintindihan. Napansin kong sa tuwing nagsasalita siya ay may lumalabas na ilaw sa kanyang noo. At ang ilaw na 'yun ay starfish ang porma.
"Hindi kita maunawaan. I'm sorry." Sabi ko sa kanya.
Tumingin ang sirena sa lake at sumalok ng tubig gamit ang kanyang dalawang kamay at inoffer niya sa'kin ang dalawang kamay niya.
Tinuro ko ang kamay niya at "Para saan 'yan?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin lang siya sa mga daliri kong nakaturo sa kanya at tingin sa akin. I guess hindi niya din ako naiintindihan.
"Master, baka gusto niyang inumin mo ang tubig." Sabi ni Francess sa akin.
Lumuhod ako para maka level ang mukha namin ng sirena. Tinuro ko uli ang kamay niya at tinuro ang sarili ko. "Inom? Ako?" Mukhang tangang tanong ko uli sa kanya kahit obvious naman na hindi niya ako naiintindihan.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...