MAJiCA 27 -

6.3K 335 15
                                    

| PARiS |


Sabay kaming naglalakad ni Kirkus papunta sa academy. Mali pala, siya lang dahil nakasakay ako kay Eros. Ayaw niya daw sumakay kay Eros dahil gusto niyang maglakad lakad muna. Ayaw niya din mag instant teleport. Ewan ko sa lalaking 'to. Sa loob ng 3 weeks na ako'y tulog ay madami nang nagbago. Nabalik na din sa dati ang Academy. Pati mga buildings na nasira doon naibalik na din sa dati. Well, hindi na naman ako nagtataka kung bakit ganoon kadali. Sa lagay na 'to magtataka pa ba kayo?


Si Kirkus lang din ang nag-alaga kay Francess sa loob ng 3 weeks, kaya thankful ako sa kanya. Francess is now on my right palm, ang lugar na alam kong pinaka-safe para sa kanya.


Siguro nagtataka kayo kung bakit kami magkasabay ni Kirkus? Well, hindi na ako nakatira doon sa dorm ko. Pinalipat ako ni Haring Inferno sa Palacìo dè Majica. Nakakahiya man pero nagpumilit si Haring Inferno. Kaya ito kaming dalawa ni Kirkus, sabay na naglalakad papunta sa academy.


Kaninang umaga nga paggising ko ay sobrang awkward noong nakita ko siya sa dining area dahil naalala ko ang nangyari kahapon. Pagkatapos kasi naming maghalikan ay hindi na namin matingnan ang isa't isa kahapon. Ni walang nagsasalita sa amin. Pero hindi nagtagal sinabi ni Kirkus na I love you at biglang naglaho.


Namula ako doon pero natawa ako bigla dahil naalala ko na ang pagkaka-alam pala niya sa I love you ay paalam. Napapangiti na lang ako sa mga nangyari. Kinikilig ako taena!


"Ano ang iyong ngini-ngiti diyan?" nakakunot noong tanong ng lalaking kasama ko kaya agad kong binaba ang tingin ko para makita siya dahil nakasakay padin ako kay Eros.


"W-Wala, bakit ba? Pakialam mo," masungit na sagot ko at inirapan siya.


"Aba't! Tsss." balik na irap niya at nauna ng maglakad.


"Sandali!" sigaw ko dahil naiiwan na kami ni Eros sa bilis ng lakad niya.



"Eros, sumabay tayo sa amo mong mainitin ang ulo." Sabi ko kay Eros sabay takbo niya ng mahina na sakto lamang para makasabay kay Kirkus.


"Alam mo ang sungit mo, bagay na bagay sayo ang kapangyarihan mo, masyado kang hot!" Sabi ko na natatawa.


Hindi niya ako pinansin at patuloy lamang siya sa paglalakad ng bigla siyang huminto sabay sabing -- "Sandali" at itinaas ang kaliwang kamay niya para pigilin si Eros sa paglalakad.


"Bakit? May problema ba?" inosenting tanong ko sa kanya.


"Shhh!!" Saway niya sa'kin sabay lagay ng hintuturo sa kanyang ilong na parang quiet sign.


Palinga-linga siya sa paligid na parang nag o-observe.


"Diyan ka lang Eros." Sabi niya at humakbang ng kunti.


Nakita kong tinaas niya bahagya ang dalawang kamay niya at dahan-dahang lumalabas ang apoy dito.


"Alam kong may ibang nilalang dito. Magpakita ka!" sigaw niya at umikot-ikot para tingnan ang paligid.


May nadinig akong mga yapak sa unahan dahilan ng pagiging alisto ni Kirkus. Tinapon niya ang nilikha niyang apoy sa amin at inikutan kami ng apoy na parang nagsisilbing shield.


Lumabas sa malalaking damo ang isang bata na sobrang familiar sa akin, umiiyak at ang dungis ng kanyang mukha. Punit punit na din ang suot niyang gold dress. Wait lang --


"Nahamani?" patanong na sabi ko at ang batang babae ay tumingala sa akin at nanlaki ang mata.


"A-Adelfi?"


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon