"Hanggang dito na lamang kita maihahatid Paris" sabi ni Ginoong Oli nang makarating kami sa parang office ng principal.
"Sigo po. Maramang salamat" sabi ko at nag bow sa kanya.
"Kumatok ka lamang at ikaw ay pagbubuksan" dagdag ni Ginoong Oli saka umalis na.
Humarap ako sa malaking pinto na color gold ang color.
*tok*tok*
Biglang bumukas ang pinto at wala akong nakikita kung hindi tanging hagdanan lang pababa. Kaya no choice at bumaba na ako nang hagdan. Iniwan ko pa ang dalawang maleta ko dahil ang hirap dalhin nang dalawang maleta pababa.
"Ang hirap naman ng principal's office na'to. Ang daming arte" nasabi ko sa sarili ko habang pababa ng hagdanan.
Nang makababa na ako nang hagdanan ay nakita ko ang isang babae na naka upo sa gilid ng pinto. May isang pinto pa kasi at halatang hinihintay ako ng babae.
"Kanina ka pa hinihintay ng mga Hari at Reyna" sabi niya at ngumiti sa akin.
"Mga Hari at Reyna?" patanong na sabi ko at tumango lamang siya at agad na binuksan ang pinto.
Pumasok ako sa pinto at nakita ko agad si Haring Inferno na nakaupo sa malaking upuan na red ang kulay. May kasama siyang dalawang babae at isang lalaki na naka upo din. Sa harap naman nila ay isang malaking lamesa. Feeling ko tuloy nag a-audition ako at sila ang mga judge! Kaloka! Baka ito na ang sinasabi nang babae kanina na mga Hari at Reyna.
"Ikinagagalak kitang makitang muli Paris" nakangiting sabi ni Haring Inferno.
Ngumiti nalang ako sa kanya at nakita ang isang babae na naka upo sa blue chair na tumayo at nagsabing "Ako si Velgara, ang reyna nang Palacìo Atlas. Ikinagagalak kitang makita"
"Hi po" sabi ko at nag bow sa kanya. Nakita ko din si Reyna Velgara na nag bow.
Sunod naman na tumayo ang babae na naka upo sa white chair.
"Ako naman si Hara, ang reyna nang Palacìo Zerya, ikinagagalak kitang makilala Paris, kamukhang kamukha mo nga siya" nakangiting sabi ni Reyna Hara. Kamukha daw? Ano kaya ibig niyang sabihin.
Sunod na tumayo ang lalaking naka upo sa Light Violet na chair. Napaka astig ng dating nang Haring ito. At aaminin ko ang gwapo nang Hari na'to. 'Yung tipong parang Daddy Richard Gutierrez ang dating.
Kinindatan niya ako at bahagyang itinaas ang kanang kamay niya.
"Lai!" parang saway na sabi ni Haring Inferno.
Ngumiti lamang ang gwapong Hari at nagliwanag ang kamay niya na parag light violet at --
"Kkyyaa!!!" napasigaw ako at napayuko habang naka takip ang dalawang kamay ko sa tainga ko. Bigla kasi kaming may narinig na sobrang pagkalakas-lakas na kidlat sa labas. 'Yung tipong sobrang lakas talaga.
"Ako naman si Haring Lai, ang pinakamakisig na Hari at namumuno sa Palacìo Luwago." nakangiting sabi niya. 'Yung ngiti niya ay medyo may dating sa'kin. May pagka manyak ang Hari na ito. Sheyt! Pag di ko natiiis tong Hari nato luluhuran ko talaga to! Kaloka! Haha
"Lai! Tinatakot mo ang bata! Umayos ka!" saway naman ni Reyna Velgara, yung may blue na chair.
Nagkibit balikat lamag si Haring Lai at pumito habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya with matching de-kwatro pa nang paa.
"Inferno, ipahatid mo na si Paris sa kanyang silid at nang makapagpahinga na siya." sabi ni Reyna Hara at tumango lamang ang Haring Inferno.
Tinaas bahagya ni Haring Inferno ang kanang kamay niya at may lumalabas na fireball dito. Lumipad ang fireball papunta sa akin at sabi ni Haring Inferno na susundan ko daw 'yun at ihahatid ako sa aking room.
Hila hila ko ang dalawang maleta ko habang naka sunod dito sa fireball na ito. "Ano ba! Can you please slow down? Ang bilis mong apoy ka bubuhusan talaga kita nang tubig makikita mo!" reklamo ko sa fireball ni Haring Inferno dahil ang bilis niyang lumipad. Medyo nahihirapan kasi ako dahil sa dalawang malaking maleta na ito at may dala dala pa akong isang bagpack sa likod ko. Naka boots pa ako na may heels kaya medyo mahirap talagang maglakad.
Napansin kong nasa parang field ako ng school na pinapalibutan naman ng mga buildings. Sobrang lawak ng field nila dito ha. Pero wala akong nakikita ni kahit isang estudyante. Wala ba silang pasok ngayon?
*Krrriinnngg!! Kriinnngggg!! Krrriinnggg!!*
Dinig kong parang isang tunog nang kampana. 'Yung parang kampana ng simabahan?
Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin na unti unting nagsilabasan ang mga estudyante sa buildings. Unti unti nadin umiingay ang paligid. May nakikita na akong nagtatakbuhan sa may hallway papunta sa field.
OMG! Nakakahiya! Ako lang kasi ang naiiba ang suot sa kanila dahil lahat sila naka uniform at ako naka civilian lang while suot suot and cloak na niregalo ni bff Pia. Imagine me too na hila hila tong dalawang malalaking maleta na color Pink!
Dumadami na ang mag estudyante na naglalakad sa field at lahat sila nakatingin sa kin habang naglalakad. Awkwardsville mga bakla! Nakakahiya!
●▬▬๑۩۩๑▬▬●
PS: Some chapters here are not available to read. Mababasa niyo po lahat ng chapters ng Enca Majica sa TypeKita app.
Download lang po kayo mg TypeKita sa google/playstore and search for my profile rafictions.
Doon niyo po mababasa ang FULL story. Dont worry FREE lang po 'yung story ko doon parang katulad lang din nitong wattpad.
🆁🅰🅵🅸🅲🆃🅸🅾🅽🆂
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...