| PARiS |
"Paris! Paris! Gising!" Dinig kong sigaw ni Lakit.
Agad akong napabangon sa kinahihigaan ko at tiningnan si Lakit.
"Bakit Lakit? May problema ba?" Tanong ko sa kaniya dahil parang hindi siya mapakali.
"Nilulusob ang kuta natin ng mga navalak, kailangan na nating tumakas!" Sigaw ni Lakit sa akin.
"Ano?!" Tarantang sabi ko at dali daling ginising si Nahamani.
"Nahamani! Nahamani! Let's go! Kailangan na nating umalis dito!" Sigaw ko kay Nahamani.
Naririnig ko na ang malakas na sigawan sa labas. Mga nagbabanggaang mga armas at mga espada.
"Akala ko ba ay hindi ito basta basta nakikita Lakit?!" Tanong ko kay Lakit habang palabas kami ng kubo.
"Oo, siyang tunay. Pero ang dinig koy nilulusob ng mga navalak ang apat na gubat sa sulok ng Enca Majica upang mapasunod nila ang mga nilalang dito at isa na kami doon. Gusto nilang sakupin kaming mga tikbalang at ipasa-ilalim sa kanilang kapangyarihan." Sagot ni Lakit sa amin.
Nang makalabas na kami sa kubo ay nakita ko ang mga napaslang na mga tikbalang. May mga navalak na din sa harapan namin.
"Mga lapastangan!!" Naiiyak na sigaw ni Lakit nang makita ang mga kasamahan niyang wala nang buhay. "Ano ba ang nagawa ng mga tikbalang sa inyo upang parusahan niyo kami ng ganito!" Sigaw ni Lakit.
Tumingin si Lakit sa akin at hinawakan ang dalawang braso ko. "Paris, iligtas niyo na ang inyong sarili. Parang awa niyo na, mabuhay ka para sa aming mga tikbalang." Sabi ni Lakit sa akin at hinarap ang sandamakmak na kawal ng navalak.
Hinawakan ko ang kamay ni Nahamani at ipinatago siya sa likod ko.
"Kuya." Sabi ni Nahamani at bumitiw sa pagkakahawak sa akin.
Nilahad niya ang kanyang kamay at may lumabas na mga paro paro na kulay violet.
"Nahamani ano iyan?" Pagtatakang tanong ko, wala naman akong nakikitang may ganyan si Nahamani noon.
"Sila ay mga enca ni prinsipe Ravi kuya. Binilin sa akin ni prinsipe Ravi na gamitin ko daw ito kapag nasa panganib tayo para agad niyang malaman." Sagot sa akin ni Nahamani.
"K-Kung ganon, ito ang dahilan ng pag-uusap niyo noong isang araw?" Tanong ko kay Nahamani.
"Opo kuya, binilin niya sa akin ang enca niya kung sakaling kailangan natin ng tulong." Sagot uli ni Nahamani.
Dumapo ang mga paro paro sa mga navalak na siya namang pilit na tinataboy nila.
"AHHHH!!" Sigaw ng isang kawal ng madapuan ng paro paro. Nakikita kong nag fi-flicker ang mga paro-paro kapag dumadapo. Feeling ko naku-kuryente sila.
Biglang lumitaw si Ravi sa harapan namin. Nakataas ang kanyang kanang kamay at may isang violet na butterfly na nakapatong dito.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...