MAJiCA 29 -

4.9K 293 26
                                    




| PARiS |


'Yung feeling na hindi mo alam ang iyong gagawin. 'Yung feeling mo na akala mo okay kayo pero at the end malalaman mong hindi pala. Assuming na kung assuming pero akala ko gusto din ako ni Kirkus. Sa mga pinapakita niya sa akin the past few weeks ay akala ko gusto niya din ako kaya mas lalong naging malapit ang loob ko sa kanya na to the point ay ----


minahal ko na siya.


Nasasaktan ako. Masakit pala talaga ang mag-expect ka sa isang tao. Hindi ko alam kung nararamdaman niyo ba ang nararamdaman ko ngayon. 'Yung feeling na may crush kang isang tao, sobrang bait niya sa'yo. Nararamdaman mong he cares for you pero at the end, iba pala ang gusto. Hindi ko din naman masisisi si Kirkus, sino nga lang ba ako? Isang hamak na maji kompara sa kanyang isang prinsipe na tinitingala. Tsaka for pete's sake ay straight siya.


Ngumiti nalang ako sa mga nakikita ko, dalawang taong naghahalikan. The way they look is they're enjoying each others' kiss. Maganda naman din ang babae, bagay siya kay Kirkus. For sure sobrang cute ng kanilang magiging anak.


Tumalikod ako; tinalikuran ko na silang dalawa dahil sinasaktan ko lang ang sarili ko.


"Isipin mo ang lugar na gusto mong puntahan, ganoon lamang ang paraan upang makapaglaho ang isang maji" naalala kong sabi ni Kirkus.


Pumikit ako at naramdaman ang mga luha na pumatak sa pisnge ko. Kanina ko pa kasi pinipigilan ang mga luha sa mata ko.


"I just want to be in my room, please kahit ngayon lang." nasabi ko sa sarili ko at inisip ang kabuuan ng room ko sa palasyo.


Dahan dahan kong dinilat ang dalawang mata ko at ngumiti ng makita sa harapan ang bed.


"Nagawa ko din" sabi ko at sinubsob ang sarili sa higaan.


*Sob


Bigla namang nagsilabasan ang mga luha ko. Kahit anong pigil ko dito na hindi lumabas pero parang may buhay ang mga ito.


Minsan naiisip ko, bakit naging bakla pa ako? Kahit ako ang tatanungin gusto ko nalang maging isang straight. Kasi kapag straight ka wala kang problema, hindi mo ma-e-experience ang e-bully ka. Na 'yung tipong kapag naglalakad ka sa kalsada ay hindi ka pipituhan ng mga lalaki dahil alam nilang straight ka. Pero wala eh, nandito na ako. Gustuhin ko mang magbago pero alam kong malabo.


"Ki-Kirkus." sabi ko at pinikit ang mga mata ko; dahilan na din siguro ng pagod sa ensayo ay nakatulog ako.


--

"Kuya kuya.." Dinig kong sabi ni Nahamani habang inalog-alog ako.


Dumilat ako para tingnan siya na ngayo'y nakapatong na sa kama.


"Kakain na daw tayo kuya, ikaw na lamang ang hinihintay." sabi ni Nahamani at bumaba sa kama.


Iniling-iling ko ang ulo ko at sinabing "Pakisabi Nahamani na wala akong gana, masama ang aking pakiramdam at gusto ko na lang magpahinga." at bahagyang bumangon sa kama at umupo.


Lumapit si Nahamani sa akin at biglang hinawakan ang aking dalawang kamay. "Kung ganoon ay hayaan mo akong gamutin kita kuya" sabi niya at nagliwanag ang kanyang mga kamay na nakahawak sa akin.


Ngumiti ako ng mapait at iniling-iling uli ang aking ulo. "Sana nga Nahamani kaya mong gamutin ang nararamdaman ko ngayon" sabi ko sa bata.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon