| PARiS |
Tatlong araw na ang lumipas nang idiniklara ni Kirkus ang digmaan na mangyayari sa mga maji at mga navalak. Tatlong araw pero para sa akin ay oras lamang ito dahil mukha kasing ang bilis ng takbo ng mga araw.
I never expected things like these dahil akala ko ay sa mga fantasy story at movie lang nangyayari ang mga digmaan. Diba sa fantasy story or movie kapag oras ng digmaan ay malapit na sa ending ang storya? Ganun naman 'yun lagi diba? After nang digmaan syempre mananalo ang kabutihan laban sa kasamaan. After that eh magdidiwang na ang mga characters ng storya at kasabay noon ang paglitaw ng salitang the end.
Pero paano kung kabaliktaran sa totoong buhay? I mean, paano kung sa totoong buhay hindi pala ganoon? Na hindi pala palaging ang magwawagi ay ang mabubuti?
Nasampal ko ng mahina ang pisnge ko. "Bakla ka kung ano-ano ang iniisip mo. Sobrang nega mo!" Nasabi ko sa aking sarili.
Pinalikas na din ni Kirkus ang mga mamayan ng Enca Majica papunta sa ligtas na lugar. Pero winelcome niya din ang mga majing handang magbuwis ng buhay matapos lang ang mga kakulipitan ng mga navalak. Marami din namang grupo ng kalalakihan ang handang tumulong.
Kaba, pag-aalala at takot. Ilan lamang ito sa mga nararamdaman ko ngayon knowing na sa makalawang araw na gaganapin ang digmaan sa pagitan ng mga maji at mga navalak.
Kaba para sa kung ano ang mga mangyayari. I don't want to sounds like napaka-nega ko. Naka-base lang naman ako sa kung ano ang nasa reality. Sabihin na nating maganap na ang digmaan. Pero paano sa bandang huli matalo ang mga maji laban sa mga navalak? Ano na ang mangyayari sa Enca Majica?
Pag-aalala para kay Kirkus. Sobrang mahal ko siya kaya nag-aalala ako para sa kanya. Kaka-upo niya lang bilang isang Hari at ito agad ang sumalubong na problema sa kanya.
At takot para sa magiging anak namin. Paano ko haharapin ang bukas kung sa paggising ko navalak na ang maghahari sa Enca Majica? Anong kinabukasan ang maibibigay ko sa anak namin ni Kirkus?
Naka-upo lang ako sa kama ng kwarto namin ni Kirkus at hindi namalayang unti-unti na palang tumutulo ang luha ko. Hindi ko maiwasan ang mabalisa.
Biglang may lumitaw na pulang ipo-ipo sa harapan ko at niluwa doon si Kirkus. Mas lalo pang lumakas ang pagpatak ng mga luha ko habang pinagmamasdan ang pinakamamahal kong lalaki sa harapan ko.
Ang laki ng pinayat niya nitong nakaraan. Yung noo'y mapupungay niyang mata ay mahahalata mong sobrang bigat na nito. Makikita mo din ang mga dark spot sa ibaba ng mga mata niya dahil sa walang saktong tulog dahil sa paghahanda at pag-eensayo niya. Sa mga pagpunta-punta niya sa iba't ibang sulok ng Enca Majica upang humanap nang bagong ka-alyansa at para personal na tingnan at ihatid sa ligtas na lugar ang kanyang mga nasasakupan.
Lumuhod siya aking harapan at pinahiran ang aking mga luha.
"Bakit mahal ko? Bakit ika'y lumuluha? Masama ba ang iyong pakiramdam? Anong nangyayari sa iyo?" Sunod-sunod na pag-aalalang tanong niya.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...