Sorry for the very long update. Sobra talaga akong naging busy sa work lately. Ngayon lang ako nagka-time because of the holiday kasi long weekend ako ngayon reason nagka time ako to sit and update. But anyway, we are down to last 2 chapters of Enca Majica. Well, technically 1 chapter nalang kasi naka-update na ako. From the bottom of my heart I want to thank you guys so much for not giving up on me. Kahit medyo matumal ako mag-update, you guys are still there patiently waiting and for that I am truly grateful. Thank you for making my "first fantasy story" a great one.
●▬▬▬▬▬๑۩۩๑▬▬▬▬▬●
| PARiS |
Dalawang araw na ang lumipas noong pinatapon ni Kirkus si Ravi sa mundo ng mga tao. Medyo nag-aalala din ako para kay Ravi dahil madaming masasama at mapagsamantalang mga tao. Pero given sa kung anong kayang gawin ni Ravi ay alam kong kaya niyang protektahan ang sarili niya. Pero ang kinatatakot ko ay kung may makakita sa kanya na gumagamit ng kapangyarihan, alam kong pagpi-fiestahan talaga siya ng madla. Baka nga ma-Jessica Soho pa siya or ma balita sa Rated K.
Sumasakit lang ang isip ko sa kakaisip. The past few days din grabe ang sobrang bigat ng katawan ko. 'Yung feeling ko na dumoble ang timbang ko kahit hindi naman talaga. Basta ang hirap ipaliwanag
Nilahad ko ang kanang palad ko at lumabas ang puting rosas. Habang nahuhulog ang mga taluyot ng bulaklak ay lalong nadadagdagan ang bigat ng katawan ko. Ngayon, nasa harapan ko ang puting rosas na dalawang taluyot nalang ang natitira.
"Kuya! Kuya!" Dinig kong tawag ni Nahamani at nanakbong pumasok papunta sa silid namin ni Kirkus.
"Yes Nahamani, may problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"May bago po akong natutunan sa school. Kaya ko pong maibalik ang nasirang gamit sa dati nitong anyo." Turan nito sa akin.
"Ha? Ano ibig mong sabihin?" Pagklarong tanong ko sa kanya.
"Gaya po nito..." at sabay kinuha ang babasagin na kulay gintong baso na nakapatong sa lamesa.
Tinaas niya ito at agad na binitawan kaya nabasag ang baso sa sahig.
Umupo si Nahamani at tinapat ang dalawang kamay sa nabasag na baso at hindi nagtagal ay nagliwanag ang dalawa niyang kamay. Unting unting dumidikit ang mga bubog sa isa't isa at hindi nagtagal ay bumalik nga ito sa dati niyang anyo. Ni hindi mo mahahalata na nabasag ito dahil wala ka talagang makikitang trace.
"Wow! That's so good!!" Masayang sabi ko at tumayo sa pagkaka-upo ko sa kama at kinuha ang baso sa sahig. "Ang galing ng ginawa mo Nahamani. Kung ganon, hindi ka lang pala healer sa mga maji at ng mga hayop. Para ka ding healer ng mga gamit dahil nababalik mo sila sa dati nilang anyo! Napakahusay talaga ng baby girl ko!" Masayang sabi ko at ginulo ang buhok niya.
"Dumating na po na si Kurtis?" Tanong niya sa akin.
"I'm not sure. Hindi pa ako lumalabas ng kwarto simula pa kanina. Medyo mabigat talaga nararamdaman ko." Sagot ko sa tanong ni Nahamani.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...