| PARiS|
Hinanda ko na ang sarili ko sa pagbagsak sa ibaba. Tanggap ko na lahat na hanggang dito lang ako.
"Baby, patawarin mo si daddy. Hindi kita naipagtanggol" naluluhang bulong ko sa sarili.
Pumikit ako at muling inalala ang mukha nang aking pinakamamahal na Hari nang maramdaman kong may sumalo sa akin sa kalagitnaan ng aking pagbagsak.
Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko sa harapan si Ravi na yakap yakap ako upang hindi mahulog.
"R-Ravi?" Patanong na sabi ko.
"Ako nga Paris. Pinuntahan kita upang sunduin at iligtas dahil alam kong susugod na dito sila Naval, kaso noong nakita mo ako ay bigla kana lamang naglaho." Sagot niya habang nakangiti at tinatanggal ang nakapulupot na lubid sa aking mga kamay.
Napansin kong nakasakay kami sa isang itim na pegasus. Teka?
"Eros?" Pag kompirma ko.
"Balita ko ay Hari kana Paris? Paumanhin hindi man lamang kita nabati." Sagot ng enca ni Kirkus.
"Ikaw nga!!" Masayang sabi ko at umayos ng upo dahil nakayakap padin ako kay Ravi na parang bridal style.
Niyakap ko ang leeg ni Eros at hinaplos haplos ang kanyang mahahabang buhok.
"Mabuti at ligtas ka! Matagal na matagal kanang hinahanap ni Kirkus!" Sabi ko kay Eros.
"Ako ang may kasalanan Paris. Ibinigay ko siya kina Naval at siya ay kinulong. Nagsisisi ako sa aking ginawa. Hindi ko dapat kayo pinagtaksilan. Lalong lalo na si Kirkus na aking matalik na kaibigan. Tatanggapin ko ano man ang magiging kaparusahan ng kataksilang ito." Sabi ni Ravi.
Hindi ko nakikita ang reaksyon niya dahil nakatalikod ako sa kanya. Ako ang nasa unahan sa pagsakay kay Eros at siya ang nasa huli.
"HHOOOORRSSSHHHH!!!" Malakas na ungol ni Eros.
"AAAAAAAHHHHHHHHH!!" Dinig ko ding malakas na sigaw ni Kirkus.
Nawalan nang malay si Eros at bigla kaming bumagsak paibaba. Agad naman akong hinawakan ni Ravi at naglaho kami at napunta sa lupa.
Bago paman bumagsak ang kawawang si Eros sa lupa ay itinaas ni Ravi ang kanyang kanang kamay at nagsilabasan ang sobrang dami na kulay violet na mga butterfly. Heto na naman ang kanyang mga enca. Napakagandang tingnan dahil kumikinang ang mga pakpak nito.
Sinalo ng mga libo libong paro paro ni Ravi ang pabagsak na si Eros at dahan dahang inilapag sa lupa.
"AAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!" Sigaw muli ni Kirkus at napatingin kaming dalawa ni Ravi sa tuktok ng palasyo at nakita ang sobrang liwanag doon.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...