Nawala ang lahat ng hapdi at sakit na nararamdaman ng aking kanang palad nang lumabas ang isang maliit na nilalang na sobrang cute na parang ewan na nakatingin sa akin. Nagkatinginan lang kaming dalawa at kumukurap kurap ang mata niya habang naka tingin sa akin. Ang liwanag na nanggagaling sa cute na nilalang nato ang nagsilbing ilaw sa room ko dahil nga naka patay lahat ng ilaw. Nawala na din ang malakas na kulog at kidlat sa kalangitan. Maging ang sobrang pagkalakas lakas na ulan at hangin ay humupa na.
Tumayo ako sa kama at sa paggalaw ko ay natumba siya kaya napa upo siya sa aking palad. Dahan dahan akong naglakad patungo sa gilid ng pintuan para e-onn ang ilaw ng room ko habang taas taas ko padin ang kanang kamay ko para hindi siya mahulog sa pagkakaupo.
Nang ma on ko na ang ilaw ay siya namang pagkawala ng ilaw na nanggagaling sa cute na nilalang na naka upo sa kanang palad ko.
Nagkatinginan lang kaming dalawa habang siya naman ay nagkukurap-kurap padin ang mga matang nakatingin lang sa akin. Napagmasdan ko ang kanyang kabuuan. She's a very cute fairy na may parang sumbrero ng mushroom. 'Yung pakpak niya ay parang sa butterfly na kulay pink.
"Fairy?" Biglang lumabas sa bibig ko. "Kyyyyaaaaaaaaa!!!!!!" sigaw ko at sumigaw din siya "kyyyaaa!!" At nakita ko siyang lumipad palayo at nagtago sa likod ng picture frame na nakapatong sa table ko na nasa gilid ng kama.
Nakita ko ang maliliit na kamay niya na nakahawak sa gilid ng picture frame at sumilip ng kunti para makita ako.
"Bakit ka biglang sumigaw?" dinig kong tanong niya.
Nagtaka ako dahil hindi ko naman nakita ang bibig niyang bumuka pero bakit nadidinig ko ang boses niya?
"Wh-Who are y-you?" Nauutal na tanong ko sa kanya.
"Hindi ko maintindihan ang iyong pananalita kamahalan" sagot niya at tuluyan na siyang lumabas sa pagkakatago sa picture frame at lumipad papunta sa akin na siya namang kina-atras ko.
"Anong klaseng nilalang ka?" Tanong ko at napasandal na sa walling ng room ko dahil wala na akong mai-aatras pa.
"Ako ang iyong enca kamahalan. Ang enca ay ang taga-bantay sa isang maji. Pinapanganak ninyo kami tuwing sumasapit ang inyong ikadalawampu't taong gulang." sagot niya sakin. Again, this cute little mushroom fairy ay hindi bumubuka ang bibig pero naririnig ko sa paligid ang sagot niya.
"Papanong hindi bumubuka ang bibig mo pero nadidinig ko ang sagot mo?" Tanong ko at nilahad ang kanang kamay ko para siya ay makapatong.
Agad naman siyang pumatang sa palad ko habang nakangiting nakatingin sa akin. Aww. She's so cute!
"Dahil tanging ikaw lamang ang nakakadinig sa akin sapagkat ako'y iyong pagmamay-ari. Hindi mo pwedeng madinig ang ibang mga enca dahil may mga nagmamay-ari sa kanila." sagot niya sa akin.
"So basically, walang sino man ang nakakadinig sa'yo except me only?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Hindi ko maunawan ang iyong ibang salita pero siyang tunay kamahalan, walang sino man ang nakakadinig na ibang maji sa aming mga enca ngunit ang tanging nagmamay-ari nito. Bagama't may ibang maji ang maaring makadinig sa aming mga enca kung pipiliin naming madinig nila kami pero hindi namin iyun basta basta gagawin. Sa oras na mabigyan namin ang ibang maji ng pahintulot na madinig kami ay hindi na namin mababawi iyun" mahabang litanya niya.
"Sandali nga! I just don't understand what's happening right now! Ano ba 'to? Bigla bigla kang lumalabas na parang ewan then all of a sudden sinasabi mo 'tong mga bagay bagay na'to? Tapos maji? What the hell is that mean?" tanong ko at lumakad papunta sa kama para maka-upo habang nakataas pa din ang kanang kamay ko dahil nakapatong pa din ang maliit na nilalang na ito sa akin.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...