MAJiCA 42 -

5.2K 305 28
                                    

Happy 30K READS ENCA MAJICA! ❤️


| PARiS |


Pumayag din naman si Kirkus na bumalik ako sa pag-aaral sa tulong ni Haring Inferno. Especially noong nalaman na nila na apoy ang kapangyarihan ko. I admit na medyo masaya din ako dahil sa alam ko na kung ano ang kapangyarihan ko. Atleast, masasabi kong hindi na ako pabigat. Kunting kembot nalang at matututunan ko din ang paggamit ng apoy.


"Tandaan mo ang sinabi ko sayo Paris na --"


"Oo na Kirkus! Huwag kong ipapakita sa kahit kanino ang puting rosas para hindi ako pag fiestahan ng mga majing studyante doon. Ilang beses mo na iyang sinabi sa akin mahal ko." Sabi ko kay Kirkus habang pababa kami ng hagdanan ng palasyo.


"Nag-aalala lamang ako Paris. Patawad." Sagot naman ni Kirkus.


Hinawakan ko naman ang kamay ni Kirkus habang pababa kami ng hagdanan.


"Alam kong nag-aalala ka sa amin ng magiging anak mo Kirkus pero mag-iingat naman ako eh. Anak ko din naman to kaya huwag ka nang mag-alala. 'Tsaka alam ko naman nandoon ka lang kahit saan ako magpunta, alam kong magiging parang buntot ka na sunod ng sunod sa akin if I know." Natatawang sabi ko.


"Ayaw mo ba na sundan kita mahal ko?"


"Hindi naman sa ganun. Dito ka lang sa tabi ko. Baka maagaw ka pa ng iba. Ang gwapo pa naman ng aking nobyo." Natatawang sabi ko at pinulupot ang aking mga kamay sa braso ni Kirkus..


Tiningnan ko ang mukha niya at nakita ko siyang napangiti sa mga sinabi ko. Ang gwapo niya talaga!


"Maglalaho ba tayo papunta sa academia mahal ko?" Tanong ko kay Kirkus nang makalabas na kami ng palasyo.


"Oo mahal ko. Para hindi ka masyadong mapagod dahil ako na naman panigurado ang pagbubuntungan mo ng iyong init ng ulo. Madali ka pa naman nang mapikon at mainis." Sagot niya at hinawakan ang aking kamay.


"Sayang. Gusto ko pa naman sanang sumakay kay Eros." Sabi ko sabay nguso.


Napansin kong natigilan si Kirkus sa huling sinabi ko at napatingin sa akin.


"Bakit Kirkus? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.


"Si Eros, hindi pa bumabalik simula noong pinahanap ko siya sa iyo. Nawala sa aking isipan dahil sa mga nangyayari ngayon." Sagot niya at pinikit ang mga mata. "Eros, nasaan ka aking kaibigan?" Dinig kong bulong ni Kirkus sa hangin.


"Wait wait. Anong ibig mong sabihin na hindi pa bumabalik si Eros?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.


Hindi ako sinagot ni Kirkus at binitawan ang paghawak sa aking kamay.


"Hey, ano? Anong ibig mong sabihing hindi pa bumabalik si Eros? Nasaan ba siya?" Tanong ko uli kay Kirkus.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon