XLV: Secret room

97 1 2
                                    

Sheng POV
Nandito na kami sa secret room. Wala pauso lang namin, ito ang tambayan namin at meeting area dati nung badboy pa ang mga boys.

"Grabe small world talaga" hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyare kanina

"Akalain mo yun magjowa pala itong dalawa" sabay turo ni lhean kila franz at jai na magkaholding hands

"Tapos magbabarkada pala yung mga parents natin" hindi din makapaniwala si rain dahil ngayon lang nya nalaman yun

"Ang astig diba. Parang tayo ang second generation nila" tuwang tuwa naman itong boyfriend kong si clark

"Sinabi mo pa" pagsang-ayon naman ni jacob sa kanya

"Franz dito ka na pala mag-aaral, sana classmate ka namin" masayang saad ko kay franz

"Oo nga eh tapos hahabol pa ako sa mga lesson nyo" pinoproblema agad ni franz yun eh mukhang kaya nya naman yun

"Hindi na kailangan mas advance kaya ang turo sa America" tama naman si renz mas advance nga sa ibang bansa

"Kahit na malay ko ba kung ano topic na kayo tsaka hindi ako katulad nyong magkapatid na matalino" pagkontra agad ni franz kay renz

"Kaya mo po yan, ikaw pa po ba" pagpapalakas ng loob ni rain sa kanya

Aaminin ko mas matalino nga silang magkapatid kesa samin, sa totoo lang kayang makipagsabayan samin ni rain. Pwede nga syang kumuha ng acceleration exam para maging 4th year na sya agad pero ayaw nya lang.

"Salamat! Congrats pala sa inyo dahil champion kayo" bati naman ni franz samin

"Salamat franz!" nakangiting saad ni renz

"Thankie" pasasalamat ko

"Thanks!" ganun din si bob

"Ano palang gagawin natin ngayon?" tanong ko sa kanila pwede naman kaming magkwentuhan buong araw pero sigurado akong hindi tatagal ang boys

"Edi dating gawi pataasan ng score pero ngayon by partner" excited na sagot ni franz

"Good idea bro" nag-aapir sila ni jacob

"Namiss ko dito sa secret room" nilibot ni franz yung tingin nya

"Dapat may twist" suggestion naman ni clark

"Panong twist naman?" tanong ni bob sa kanya

"May dare dapat lahat ng talo may parusa" paliwanag ni franz

"Tama kada maglalaro tayo kung sino matatalo sya ang may parusa" pagsang-ayon ni renz sa kanya, papayag talaga yan si renz dahil sya lagi ang nanalo samin

"Kasali po ba ako dyan?" tanong ni rain samin

"Aba syempre naman kawawa naman si Red walang partner kung hindi ka kasali" sagot ni clark na may halong pang-aasar

"Okay po" himala at hindi kumontra si rain

"Akala ko tatanggi ka na naman" kahit si red nanibago sa kanya

"Syempre hindi, ayoko na maging KJ" paliwanag ni rain samin, lagi kasi namin syang sinasabihan na KJ pag ganitong may mga laro kami tapos aayaw sya

"Ano game na ba kayo?" tanong ni franz samin

"GAME!" sigaw namin sabay sabay

"Wait kailangan bawat team may color coding para hindi nakakalito" suggestion ni franz na lumapit sa scoreboard

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon