LXI: Closure

131 4 0
                                    

May mga pangyayare talaga na hindi aasahan na darating at may mga tao ding magpapakita at magpaparamdam sayo sa hindi mo inaasahang panahon.

Kahit na sabihin natin na may ginawa syang hindi maganda satin o mabuti man ang ginawa nya naging parte pa rin sya ng buhay natin.

Nasa park sina red at rain...

"Namiss ko pumunta dito" panimula ni rain

"Ako din!" sagot ni red

"Huh? Sabi mo lagi ka nandito" tumingin si rain kay red

"Oo nga, namiss ko pumunta dito na kasama ka" sabay kindat ni red sa kanya

"Ewan ko sayo Red" natatawang sagot ni rain

"Kinilig ka lang eh" panunukso ni red sa kanya

"Ewan!" sagot naman ni rain

"Hey RD remember that playground" sabay turo ni red sa may playground

"Of course I remember that" napangiti si rain nang maalala yung playground

"Tara punta tayo dun" aya sa kanya ni red

Inilahad ni red ang kamay nya kay rain na agad naman nitong hiniwakan ni rain at pumunta na sila sa playground at umupo sa swing.

"Naaalala ko dito tayo laging naglalaro nila kuya" pagbalik tanaw ni rain sa nakaraan nila

"Tama ka! At dito din kaya kita nakilala nun, umiiyak ka pa nga dahil hindi mo makita kuya mo" natatawang kwento ni red sa nakaraan nila

"Oo naaalala ko yun tapos dinala mo ako dun sa pavillion nyo at dun mo ako pinatahan" napapangiti na lang si rain sa mga naaalala nya

"Oo chocolate lang pala ang katapat mo nun hahahaha" biro ni red sa kanya

"Naalala ko rin dito mo ako unang pinagtanggol nun, dun sa mga batang nang-aaway sakin, nakipag-away ka pa nga nun" pagkukwento ni rain

"Oo nga hahahaha tapos umiyak ka ulit dahil nasuntok ako, kaya dinala ulit kita sa pavillion para patahanin ka ulit" masayang kwento ni red

"Ang dami din nating happy memories noon" napangiti na lang si rain sa mga alaala nila

"Pero matanong ko lang okay ka na ba talaga?" tanong ni red sa kanya habang nakatingin sa mga kamay nya

"Oo naman, bakit?" tanong naman pabalik ni rain

"Masaya ka naman ba?" tanong ulit ni red sa kanya

"Oo masaya ako, bakit ba?" pagtataka na ni rain sa mga tanong ni red

"Last question, nakamove-on ka na ba?" tumingin na si red kay rain para makita ang reaksyon nito sa tanong nya

"I guess so, kasi hindi ko na sya naiisip, salamat sayo" sabay ngiti ni rain sa kanya

"Ano naman magiging reaksyon mo pag nagkita kayo?" random question lang naman ni red

"Hindi ko alam" nagkibit balikat pa si rain

May lumapit sa kanilang lalaki na hindi inaasahang makikita nila sa mga oras na iyon at sa lugar na iyon.

"Rain!" pagtawag ni arvin kay rain

"A-arvin?" napatayo si rain ganun din si red

"Rain mag-usap naman tayo" pakiusap ni arvin sa kanya

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan!" madiin na sagot ni rain

Akmang hahawakan na sana ni arvin si rain ng hilahin sya ni red at tinago sa likuran nya.

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon