XXXI: First day of school

112 2 0
                                    

Renz POV
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko tinignan ko kung ano oras na. 6am na pala kailangan ko na kumilos kaya bumangon na agad ako. Ginawa ko na yung daily routine ko tapos bumaba na ako.

"Good morning mom" bati ko kay mommy sabay halik sa pingi nya

"Goodmorning din gising ka na pala, sige na kumain ka na dyan" nakangiting utos ni mommy habang nagkakape

Umupo na ako sa tabi ni mommy para makakain na.

"Nasan po pala si daddy?" palagi kasi kami sabay sabay kumain pag ganitong may pasok

"Nasa kwarto pababa na siguro yun" sagot ni mommy

"Ah okay po, eh si Rain po?" paghahanap ko sa kapatid ko minsan kasi sumasabay sya samin kumain pag wala syang pasok

"Bakit narinig ko po pangalan ko?" galing sa likuran ko

Napatingin naman ako sa likod ko.

"Good morning mommy" bati ni rain sabay kiss kay mommy

"Good morning princess. Sumabay ka na rin kumain samin" aya ni mommy sa kanya at umupo na sya sa tapat ni mommy

"Ang aga mo ata gumising bunso?" hindi naman sya papasok at pagkakaalala ko mga 8am pa ang gising nya

"Nagugutom na po kasi ako hehehehe, good morning po pala kuya" nagsalin na sya ng cereals at gatas sa mangkok na nasa harapan nya

"Good morning din, Ang takaw mo talaga" kaya pala nagising nang maaga dahil nagugutom na

Dumating naman si dad na nag-aayos ng necktie nya.

"Nandito na pala kayong dalawa" sabi ni daddy na tumingin samin sandali tapos inayos ulit yung necktie nya

"Good morning dad!" nagmano ako sa kanya

"Good morning daddy!" hinalikan naman ni rain si daddy sa pisngi

"Good morning din mga anak" bati naman samin ni daddy

"Hon maupo ka na at sumabay ka na samin" sabay halik din ni mommy kay daddy

Umupo naman na si daddy at sabay sabay na kaming kumain.

Pagtapos ko kumain nagpaalam muna ako na aakyat para kunin yung gamit ko then bumaba na agad ako.

"Renz sasabay ka ba samin o gagamitin mo ang kotse mo?" tanong sakin daddy habang nagsusuot ng coat

"Gagamitin ko na lang po yung kotse ko dad. Alis na po ako" paalam ko sa kanila habang inaayos ko yung damit ko

"Oh sige mag-ingat ka sa pagmamaneho mo" paalala ni daddy sakin

"Opo dad!" regalo nya sakin etong kotse nung nag 18 birthday ako

Hinalikan ko na si mommy sa cheeks at nagmano ako pati na rin kay daddy. Paalis na ako nang may nagtext sakin.

~
From: Myloves😍😘
         Good morning Myloves maghintayan daw tayo sa tambayan. See you later, ingat iloveyou 😘

Nagreplay agad ako.

To: Myloves😍😘
       Good morning din myloves, On the way na po ako. See you, ingat din po iloveyou 😘😘😘

Pagkasend ko nagpaalam ulit ako kila daddy tapos umalis na ako.

Pagdating ko sa tambayan si myloves at si dean pa lang ang tao late na naman ang mga loko first day na first day late.

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon