LXXX: Blackmail

72 3 0
                                    

Red POV
Sa buhay hindi sa lahat ng araw ay laging masaya at may magandang nangyayari, pa-minsan minsan may masama at malungkot din na nangyayari hindi lang natin alam kung kelan ito darating kaya hindi natin ito napaghahandaan.

Katulad ngayon apat na beses na may nagpapadala sakin ng letter kahit hindi nya lagyan ng pangalan nya alam ko naman na sakanya galing ang mga sulat na yun.

Unang beses na nag-iwan sya ng sulat ay nung araw na nakita namin na nagmamasid sila sa bahay nila renz.

===== FLASHBACK =====

Pagkauwe ko ng bahay may nakita akong box sa tapat ng gate namin, pagbukas ko may patay na kuting na may kasamang picture ko at sulat.

Dear Red
     Long time no talk ang superhero ng girlfriend ko, masaya ka na ba dahil nakuha mo sya. Sabi ko na nga ba mang-aagaw ka unang kita ko pa lang sayo pero binalewala ko, yun ang pagkakamali ko pero ngayon maghanda ka dahil babawiin ko na sayo ang kinuha mo sakin. Kaya mag-iingat ka.

PS. Hanggat maaga lumayo ka na sa kanya at sa kanila. Wag na wag kang magsusumbong kahit kanino kung ayaw mong magkagulo

Pagkabasa ko ng sulat tinapon ko agad yung box sa basurahan, hindi naman ako natatakot sa kanya. Alam ko naman na hindi nya yun magagawa sa barkada nya lalo na kay rain kaya binalewala ko na lang.

Pumasok na ako sa bahay na parang walang nangyare.

====END OF FLASHBACK====

Ang sumunod na sulat na natanggap ko ay yung araw na nang galing kami sa mall lahat.

===== FLASHBACK =====

Pag-uwi ko galing mall may box ulit sa tapat ng gate namin pagbukas ko may laruang baril na may dugo at may kasamang picture namin ni rain at sulat.

Sobrang sweet nyo naman may yakapan pa kayo, parang walang nangyare nung isang araw, alam kong alam na din ng ibang boys ang tungkol dito. Sige balewalain nyo lang, ipagpatuloy nyo lang yan bahala kayo, tignan na lang natin kung hanggang saan aabot ang pagbabalewala nyo sa mga sulat ko. Makikita mo na lang isang araw takot na takot na sila at wala ka nang magagawa kundi magmakaawa sakin at sundin ang utos ko .

PS. Sinabi ko na sayo na hanggat maaga layuan mo na sya pero matigas ang ulo mo tignan na lang natin ang mangyayare

Medyo kinabahan na ako sa sulat ngayon pero hindi ko pinakita alam kong nakamasid lang sya sa paligid, kaya hindi ko na lang ulit pinansin at pumasok na ulit ako sa bahay.

==== END OF FLASHBACK ====

Yung pangatlong beses ay nung nagsama sama kami sa pavillion, mas natakot na ako dahil alam nya kung saan kami pupunta.

===== FLASHBACK =====

Pag-uwi ko galing sa pavillion may nakita na naman akong box na may picture namin lahat sa pavillion na may dugo at sulat.

Ang saya nyo naman kanina para bang walang problema. Ang tapang mo din binabalewala mo talaga itong mga sinasabi ko, tignan natin kung hanggang saan aabot yang tapang mo kung isa isa ko na silang guguluhin. Maghintay ka lang red tignan mo kung ano ang kaya kong gawin sa inyo at lalo na sayo. Isang araw ikaw na ang magmamakaawa sakin.

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon