XX: Last Day

135 3 0
                                    

Rain POV
Nang makita ko sila arvin nawalan na ako nang ganang kumain kaya kahit hindi pa ako busog umakyat na lang ako sumabay naman na sakin si kuya sa pag-akyat. Pagdating namin sa kwarto nag-impake agad kami tutal naman nakaligo na kami.

"Okay ka lang ba bunso?" pag-aalala ni kuya sakin

"Oo naman po okay lang ako" nilalagay ko na yung mga gamit ko sa bag ko

"Alam kong hindi tsaka alam kong nasaktan ka pa rin nung nakita mo sila" naglalagay din si kuya ng gamit sa bag nya

"Syempre naman po kuya hindi naman agad agad mawawala yung sakit tsaka hindi pa po ako nakikipaghiwalay, for short wala pa kaming closure" kinuha ko na yung ibang gamit sa banyo

"Bakit kasi hindi ka pa makipaghiwalay?" tanong naman ni kuya

"Diba nga kuya hindi pa ako handa na makita at makausap sya" paalala ko sa kanya

"Okay basta pagkailangan mo kami sabihin mo lang" sabay ngiti ni kuya sakin

"Opo kuya" nginitian ko din sya

Nagpatuloy kami sa pag-aayos ng gamit, pumasok naman na si ate joyce.

"Myloves ano hindi mo din kinaya magstay" pang-iinis ni kuya

"Parang ganun na nga nabibwisit ako sa mukha nila lalo na sa babae na yun" inis na sagot naman ni ate joyce

"Ate relax ka lang hahahah baka hikain ka nyan" pagbibiro ko sa kanya

"Huy bata wala po akong sakit na hika hahahah" sabay tawa ni ate joyce

"Oo nga pala Rain yung mga gamot mo tsaka inhaler mo lagay mo na lang dyan sa bag na maliit para kung sakaling hikain ka madali mo na lang makukuha" paalala sakin ni kuya

"Opo kuya don't worry" sagot ko

"Mabuti na yung handa kesa sa hindi" naglalagay pa rin ng damit si kuya

"Sino po pala naiwan sa baba ate?" tanong ko kay ate joyce

"Yung tatlong tukmol, alam mo naman yun basta pagkain hindi pinapalagpas" sagot ni ate joyce

"Sinabi mo pa basta pagkain nangunguna yung tatlong yun lalo na si Jacob" pagsang-ayon ni kuya sa kanya

"Buti nga po natitiis sila ng mga girlfriend nila hahahaha" pagbibiro ko pero alam ko naman mahal na mahal nila ang isa't isa

"Oo naman kahit na minsan inis na inis na sila tinitiis lang nila hahahaha" natatawang sagot ni ate joyce habang nag-aayos ng gamit

"Buti na lang kuya hindi ka nahawa sa kanila lagi pa naman kayo magkakasama hahahaha" panunukso ko kay kuya

"Syempre naman kahit papaano mas matino ako sa kanila" depensa ni kuya

"Hindi nga nahawa sa katakawan, nahawa naman sa mga kalokohan" pang-aasar ni ate joyce kay kuya

"Nahawa nga ba o sya ang nagpapasimuno" pang-aasar ko din
"Sige pagtulungan nyo akong dalawa" reklamo ni kuya

"Totoo naman kasi hahahah" natatawang saad ni ate joyce

"Nagpapasimuno lang naman ako sa kalokohan pag may pa-surprise na nagaganap, pero ngayon hindi na" paliwanag ni kuya

"Bakit naman?" sinarado ko na yung bag ko at umupo muna ako sa kama

"Syempre nandyan na si Red yun yung pasimuno sa mga pakulo lawak ng utak eh" pagmamalaki ni kuya kay red

"May point ka dyan myloves daming pakulo nun kaya nga magkasundo kayo" nagsarado na rin ng bag si ate joyce

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon