II: Sana Hindi Totoo

295 7 0
                                    

Rain POV
Nandito ako sa kwarto ko ngayon nagising ako dahil sa pag ring ng phone ko at hindi ko na tinignan kung sino yung tumatawag.

Accept Calls......

"Hello po?"

[ Hoy bata anong oras na! Sabi ko na nga ba natutulog ka pa rin! ]

"Bakit po? Im so sleepy pa po. What is happening there?"

[ Hala ka rain magsisimba po tayo ngayon at mamimili tayo ng pagkain para bukas. ]

"Its so early yet. The mass will start later"

[ Hoy batang makulit mag na-9 na kaya, papunta na nga kami dyan eh. ]

"Magna-9 pa la--- WHAT! THE MASS WILL START NOW. WHY DON'T YOU WAKE ME UP EARLIER!"

[ kanina p--- ]

"Okay okay i will fix myself now. Bye po!"

*Call Ended*

Pagkatapos ko patayin yung tawag ay nagmadali na ako pumunta sa banyo para maligo, imbis na 45mins ang ligo ko naging 15mins na lang, nagmadali na rin akong magbihis. Pagbaba ko nakita ko sila mommy and daddy na kumakain sa kusina.

"Goodmorning mommy! Goodmorning daddy!" masiglang bati ko sa kanila

"Goodmorning baby princess" bati ni daddy sakin sabay halik ko sa pisngi nya

"Goodmorning anak, kain ka na" bati naman ni mommy at hinalikan ko din sya sa pisngi

* Piiit piiit.... Piiit piiiit..... *

"Hindi na po nandyan na po kasi sila sa labas, sige po una na po ako, magsisimba pa po kasi kami" pagtanggi ko sa alok ni mommy

"Osige mag-iingat kayo anak" paalala ni mommy

"Opo!... Si kuya po pala?" tanong ko

"Kanina pa umalis" sagot ni daddy

"Ganun po ba, sige po alis na po kami" paalam ko

Paglabas ko ng bahay, sumigaw agad si kuya.

"RAIN BILISAN MO LATE NA TAYO!" sigaw ni kuya mula sa driver seat ng van

"OKAY I'M HERE!" sigaw pabalik ko

Pagsakay ko pinaandar na agad nila ang sasakayan dahil late na nga kami.

"Kuya why you're not waking me up?" inis na tanong ko kay kuya

"Wag kang mag-english. Kanina pa kita ginigising tulog na tulog ka. Nasundo ko na silang lahat tulog ka pa rin" sermon naman ni kuya sakin

"Hays okay fine. Pasensya na po, may jetlag pa po at hindi po ako nakatulog agad kagabi" paliwanag ko naman

Pagdating namin sa simbahan ang dami ng tao kaya nakatayo na lang kami at holy family na ang sinasabi ng pari.

Pagtapos ng misa nagmano na kami kay father at umalis na, dumeretso na kami ng mall.

Pagdating sa Smith Mall ay kumain muna kami sa mcdo ang mga boys na ang umorder ng kakainin namin. Pagmamay-ari nga pala ng pamilya ni bob ang mall na ito.

"Rain jetlag is real ba hahahaha" pang-aasar sakin ni sheng

"Mukhang puyat na puyat ka hahahahaha" gatong naman ni dean

"Sabi na nga ba eh tulog ka pa kanina, kung hindi pa ako tumawag hindi ka pa gigising" sermon naman ni ate joyce

"Oh no!.... You're the one who called this earlier? Im sorry ate I didn't recognize you. I fell a sleep 2 in the morning" paliwanag ko sa kanya, si ate pala yung tumawag kanina

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon