XII: Censored

128 4 0
                                    


Warning: This Chapter is slightly rated SPG!

Joyce POV
Pagtapos namin kumain ay napagkasunduan namin magpunta sa mall. Pagpasok namin sa kwarto naabutan namin si rain na nagbabasa ng libro sa kama nya.

"Rain gusto mo sumama samin pupunta kaming mall?" tanong ko sa kanya

"No ate, Im staying here" sagot nya na nakatingin lang sa binabasa nya

"Sumama ka na samin, sige na magbihis ka na" utos ni renz sa kapatid nya

"Im okay here" sagot ni rain na hindi pa rin tumitingin samin

"Hayaan mo na muna sya myloves" bulong ko kay renz

"Pero baka atakihin sya ng hika nya" bumulong din sakin si renz

"Hindi yan wag ka kasi mag-isip ng ganyan" bulong ko ulit sa kanya

Napatigil kami sa pagbubulungan nang magsalita si rain.

"Don't worry i'll call you or ate if something bad happen to me" pero nakatingin pa rin sya sa libro nya

"Osige mamaya pag wala pa kami at nagutom ka magluto ka na lang muna" inayos ko na yung susuotin ko habang naghahabilin sa kanya

"Pero babalik kami agad bunso" dugtong agad ni renz sa sinabi ko

Tumango lang sya bilang sagot nya. Napailing na lang ako.

"Surprise na lang natin sya mamaya" bulong bigla sakin ni renz

Tumango na lang ako baka kasi mahuli naman nya kami nagbubulungan.

Nauna akong maligo tapos sumunod si renz habang inaantay ko matapos si myloves sinubukan ko ulit kausapin si rain.

"Rain ayaw mo ba talaga sumama samin baka kasi mabored ka dito" pag-aya ko ulit sa kanya habang nagli-lipstick

"Im okay here ate" nagbabasa pa rin sya

"Sigurado ka ba baka may gusto kang ipabili sabihin mo lang" nagsusuklay na ako sa salamin ko lang sya tinitignan

"Nothing!" hindi pa rin sya tumitingin

"Basta kung may gusto ka ipabili text mo lang ako okaya yung kuya mo" habilin ko sa kanya

"Opo!" sa libro pa rin sya nakatingin, napabuntong hininga na lang ako

Mukhang nagalit nga sya or nainis ng sobra, ayaw kami tignan eh.

"Myloves tara na bilisan mo na dyan, wag ka na magpapogi pa" ang bagal talaga kumilos nitong si renz daig pa ang babae

"Opo palabas na" tapos lumabas na si renz sa cr

"Napakatagal mo talaga" reklamo ko, nilagay ko na sa maliit na bag yung mga kailangan kong gamit

"Sorry naman. Rain hindi ka talaga sasama?" tanong ulit ni renz sa kapatid

"No im not!" simpleng sagot ni rain

"Basta pag may kailangan ka o inatake ka na naman itext o tawagan mo lang ako okaya si Ate Joyce mo uuwi agad kami dito" habilin din ni renz habang nagsusuklay

"Opo!" tumingin sya samin saglit lang tapos bumalik ulit sa pagbabasa

"Oh panu alis na kami, mag-iingat ka dito bunso"  paalam ko sa kanya at hinalikan sya sa ulo

"Rain tumawag ka agad pag nagkaproblema ha" paalala ulit ni renz at hinalikan nya din sa ulo si rain

Ngumiti lang sya samin na hindi tumitingin. Napabuntong hininga na lang kami ni renz.

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon