XXXIX: Pagsisinungaling

99 1 1
                                    

Third Person POV
Nakauwe na sila rain galing school hinatid sya ni jai habang nasa byahe tahimik lang sila, pagdating sa bahay nila rain.

"K-kuya?" mahinang pagtawag ni rain sa kuya nya

Nagulat sya dahil nakita nya ang kuya nya na lumabas galing sa kusina nila.

"Nandyan ka n--- Anong nangyare sayo bakit puro pasa ka?!" napalakas ang boses ni renz

"Myloves ba--- jusko rain anong nangyare sayo?" nag-aalalang tanong ni joyce pagkakita nya kay rain

Lalong nagulat si rain nang lumabas ang barkada nila galing sa kusina.

"Omg! Rain bakit puro pasa ka?" gulat na tanong naman ni sheng

"May naka-away ka ba?" pag-aalala naman ni dean sa kanya

"Tara resbakan natin" galit na saad naman ni jacob

"Hindi pwede na ginaganyan ka nila" ganun din si clark

"Sino may gawa sayo niyan?" lumapit pa si red sa kanya at tinignan yung braso nya

"Araaay! Wag mong hawakan masakit pa po kaya" daing ni rain

"Sorry nag-aalala lang" halata naman sa itsura ni red yung pag-aalala

Tumingin si rain kay jai at tumingin din ito sa kanya.

"I told you" bulong ni rain sa kaibigan

"Oo na" bulong pabalik naman ni jai sa kanya

"A-ano pong ginagawa nyo dito? W-wala po ba kayong praktis?" pag-iwas ni rain sa usapanin tungkol sa lagay nya

"Bunso wag monh ibahin ang usapan, anong nangyare sayo? Bakit meron kang ganyan?" seryosong tanong ni renz sa kapatid nya

"Wag nyo na po ako alalahanin. Okay naman po ako" pumasok na nang tuluyan si rain sa loob ng bahay nila

"Anong huwag hindi pwede yun. Sabihin mo na samin rain" pamimilit ni joyce sa kanya

"Ahm a-ano po na ano po--" kinakabahan naman si rain na magsalita at magsabi nang totoo sa mga kaibigan nya

"Puro ka ano sabihin mo na" hindi na makapaghintay si lhean sa sasabihin nya

"K-kasi po n-nalaglag po ako sa hagdanan kanina" pagsisinungaling nya na hindi makatingin ng diretso sa mga kaibigan nya

"ANO!" sigaw ng magkakaibigan

"Wag po kayo sumigaw masakit po sa tenga" reklamo ni rain sa kanila

"Bakit hindi mo pa sinabi yung totoo?" bulong ni jai mula sa gilid nya

"Basta!" mahinang sagot ni rain

"Okay ka lang ba?" lumapit na rin si joyce sa kanya

"May masakit pa ba sayo?" ganun din si sheng

"Baka napilayan ka na?" pag-aalala naman ni bob sa kanya

"Nabalian ka ba ng buto?" ganun din si jacob

Sunod sunod nilang tanong kay rain. Sa nakita ni jai alam nya na yung tinutukoy ni rain sa kanya kung bakit ayaw nya magsumbong sa mga ito.

"Shhh! OA nyo po, okay lang po ako medyo masakit lang nang konti pero okay po ako" pagsisinungaling ni rain para hindi na mag-alala ang mga kaibigan nya

"Sigurado ka ba?" paninigurado ni renz sa kapatid nya

"Opo kuya, pwede na po ba akong umakyat para makapagpalit na po ako at makapagpahinga" paalam ni rain sa mga kaibigan nya dahil hindi nya na kinakaya ang nakikitang pag-aalala sa mga ito

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon