XXI: Ang Dare

110 4 1
                                    

Renz POV
Nakarating kami sa bahay bandang alas-nueve nang gabi, medyo traffic kasi naabutan na kami nang rush hour.

"Salamat at nakauwe na din tayo" nag-inat inat pa si lhean na nasa harapan

"Pano ba yan magsibabaan na kayo hahahah" natatawang sabi ni jacob

"Myloves gisingin mo na yang katabi mo hanggang ngayon tulog pa rin" utos sakin ni joyce na nakatingin pa kila red

Tinapik tapik ko naman si red at si rain.

"Gumising na kayo, Red at Rain gising na" panggigising ko sa dalawa, naunang gumising si red

"Kanina pa ba tayo nandito?" tanong ni red habang nagkukusot ng mata

"Hindi naman kararating lang din natin. Gisingin mo na yan" turo ko sa kapatid ko na tulog na tulog sa balikat nya

Ginising naman nya na si rain.

"Nakauwi na po ba tayo?" tanong ni rain habang nag-iinat

"Oo nandito na tayo" sagot ko sa kanya

Bumaba na kaming apat, kami na lang pala ang hinihintay nilang bumaba.

"Sarap nang tulog nyong dalawa" pagbibiro ni jacob sa dalawa

"Simula nung umalis tayo hanggang makauwi tulog na tulog kayo" gatong ni clark sa biro ni jacob

"Ewan ko po sa inyo, kuya pasok na ako nababanyo na po kasi ako" paalam ni rain samin

"Sige hindi ka kasi nagCR kanina" kinuha nya na yung bag nya sa likuran ng van

"Una na po ako bye" pumasok na si rain sa loob ng bahay

"Tara pasok muna kayo" aya ko naman sa kanila

"Hmm guys una na kaming umuwi" paalam ni arvin samin

"Sige!" wala naman akong pakialam sa kanila

Umalis na sila arvin at berna. Kami naman ay pumasok na sa loob.

"Renz kain muna tayo bago kami umuwi gutom na ako eh" pakiusap ni jacob sakin, talagang dito pa sya makikikain sa bahay

"Kelan ka ba hindi nagutom hahahah" biro naman ni bob sa kanya

"Sige wait lang siguro naman may niluto sila mommy alam naman kasi nila na ngayon ang uwi natin" sinabi naman namin sa kanila kung kelan kami uuwi

Pumunta na ako sa kusina para tignan kung may pagkain pero walang pagkain tapos nakita ko may letter nakalagay sa ref kaya binasa ko.

~
Renz,
Nasa business trip kami ng daddy mo ngayon sa wed pa ang uwi namin. Ikaw na muna bahala sa kapatid mo at dito sa bahay. Mag iingat kayo I love you.

Love,
Mommy and Daddy
~

Nang mabasa ko yung sulat bumalik agad ako sa sala sakto naman na pababa ng hagdan si rain.

.

.

.

Rain POV
Nauna na akong pumasok sa kanila hindi naman totoo na magbabanyo ako ayoko lang talaga makita nang matagal si arvin.

Pagpasok ko ay umakyat na agad ako para malaman nila daddy na nakauwi na kami.

"Daddy nandito na po kami" pero walang tao sa kwarto nila kaya bumaba na ako

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon