XLVII: Samson Academy Celebration Party

82 2 0
                                    

Clark POV
Friday na ngayon at mamaya na gaganapin yung party, nasa bahay kami nila renz dahil magpapraktis yung iba ng duet performance.

"Nasan na ba si Red?" nine kasi ang usapan namin eh 9:15 na wala pa rin sya

"Sabi nya papunta na daw sya" sagot ni jacob na may hawak na chips ang takaw nya talaga

"Eh yung kapatid mo?" tanong ni sheng kay renz

"Nasa kwarto pa nya" sagot naman ni renz

"Guys napapansin nyo ba yung iwasan nung dalawa?" tanong ni sheng samin, akala ko nga ako lang ang nakakapansin nun sa dalawa

"Oo" sagot agad ni lhean

"Kaya nga" sagot naman ni dean

"Bakit kaya?" pagtataka naman ni jai

"Renz may alam ka ba dito?" tanong ni joyce sa boyfriend nya

"Medyo" sagot ni renz tapos nagkibit balikat sya

"Share mo naman" dapat alam din namin kung ano yung nangyayare sa dalawa

"Kasi hindi kami sanay na nag-iiwasan sila, hindi sila nagkukulitan at naglalambingan" tama si sheng naninibago kami sa nakikita namin sa kanila

"Namimiss namin yung chemistry nila" paliwanag ni lhean

"Baka meron tayong pwedeng gawin para magbati sila" suggestion ko sa kanila dahil nakakapanibago yung samahan nung dalawa

"Hindi nga natin alam kung magkaaway ba sila o nagkatampuhan lang" sagot naman ni dean

"Ramdam natin ang chemistry nila at ramdam din natin yung tension sa bawat isa sa kanila" paliwanag ni franz, ramdam na ramdam talaga namin

"Mas mabuti na yung sila na lang ang magsabi sa inyo para malinaw" paliwanag naman ni renz samin, may alam nga sya pero alam ko ayaw nya lang pangunahan yung dalawa

"Kay Red pwede pero kay Rain hindi, alam mo naman yun gustong sarilihin lahat ng problema" paliwanag naman ni sheng sa kanya

"Sige sasabihin ko sa inyo pag pumayag si Red" sagot naman ni renz

"Payag ako!"

Napatingin kami sa pinto.

"RED!" sabay sabay namin pagtawag sa kanya

"Kanina ka pa dyan?" tanong naman ni jacob sa kanya

"Medyo nakasalubong ko pa nga si Rain" sagot nya habang nakasandal sa hamba ng pintuan

"ANO?! Narinig din ni Rain pinag-uusapan namin?" kinakabahang tanong ni sheng

"Ewan? Siguro? Hindi ko alam.... Pagpunta ko kasi dito nakasalubong ko sya" lumapit na sya samin

"Sana tinanong mo sya" napailing na lang ako sa sinabi ni jacob

"Baka matanong nya" pagpaparinig ko sa kanya

"Sana ikaw nagtanong bro" seryosong sagot ni red kay jacob

"Boom basag!" pang-aasar ni renz kay jacob

"Bakit nga ba kayo nag-iiwasan?" sinimulan na ni joyce tanungin si red

"Umamin na kasi ako sa kanya" pag-amin samin ni red

"ANO!" sigaw naman namin sa gulat pwera lang kay renz

"Hinaan nyo naman boses nyo.... Makasigaw wagas" saway naman ni red samin

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon