Rain POV
Nandito ako sa kwarto ko nagdodouble check kung ayos na ang mga gamit ko na dadalhin ko para sa bakasyon namin nang may biglang kumatok.*Knock.... knock....*
"Come in po!" sigaw ko habang inaayos ko ang mga gamit ko
"Bunso ready ka na ba?" tanong ni kuya pagpasok nya
"Opo nagdo-double check lang po ako" sagot ko, mukhang wala na namam akong nalimutan
"Sige bilisan mo at nasa baba na yung iba" sabay ngiti ni kuya sakin
"Opo kuya, susunod na po ako sa baba" sinarado ko na yung bag ko
"Sige intayin ka namin" lumabas na si kuya
Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko bumaba na rin ako. Naabutan ko sila sa sala nag-uusap usap.
"Goodmorning mga ate at kuya" pagbati ko sa kanilang lahat
"Goodmorning din!" bati naman ni ate joyce sakin sabay halik ko sa pisngi nya
"Rain akin na yang gamit mo ilalagay na natin sa likod ng van" kinuha ni kuya yung bag ko
"Sige po. Sino pa po ba inaantay natin?" tanong ko sa kanila
"Sila Jacob alam mo naman yun laging late" natatawang sagot ni dean
"Hahahah sila na lang po ba?" always late talaga sila jacob kahit saang usapan
"Oo pati boyfriend mo" sagot ni sheng
"Ah okay po. Sige kain po muna ako, tara kain po tayo" yaya ko sa kanila at iniwasan ko yung topic kay Arvin
"Tapos na kami, ikaw na lang ang kumain. Hintayin na lang namin sila" sagot ni kuya at umupo sya sa tabi ni ate joyce
"Okay po!" sagot ko sabay kibit balikat ko
Pumunta na ako sa kusina at naabutan ko dun si mommy na nag-aayos ng pagkain.
"Goodmorning mommy, aga nyo naman pong gumising" bati ko sabay halik sa pisngi ni mommy
"Goodmorning anak! Inaayos ko lang yung mga dadalhin nyong pagkain" sagot ni mommy habang nagsasarado ng tupperware
"Ah okay po, nasan po pala si daddy?" tumingin pa ako sa paligid para hanapin si daddy
"Nandun sa banyo umihi lang. Oh kumain ka muna dyan sabayan mo na ang daddy mo" malambing na sagot ni mommy
"Okay po!" umupo naman na ako sa katabing pwesto ni daddy
"Goodmorning baby ko buti naman at bumaba kana kanina ka pa nila inaantay" masiglang bati ni daddy pagkadating sabay halik sa ulo ko at umupo na sya sa tabi ko
"Goodmorning din po daddy. Atsaka hindi na po ako baby" nakangusong reklamo ko
"Hay naku RD wag kang gumanyan hindi bagay sayo, at kahit may asawa ka na ikaw parin ang baby namin" bigla biglang sumusulpot si kuya na paranh kabute
"Oh Renz nandyan ka pala, kumpleto na ba kayo?" tanong ni daddy sa kanya
"Hindi pa po dad. Baby RD bilisan mo na dyan ha" sagot ni kuya sabay baling sakin
"Sabing hindi na ako baby! Mommy oh sila kuya" pagsusumbong ko kay mommy
"Hahahaha kayong dalawa wag nyo ng asarin ang baby natin este si Rain" pagsaway ni mommy pero inasar din ako sa dulo

BINABASA MO ANG
Love and Sacrifice
Hayran KurguHow far can you give for love? What can you do for your loved ones? Are you willing to sacrifice your love and life? Will she choose her past because they made a promise to each other or will she choose her present that fulfill what she miss from t...