XXIV: Ang Kasinungalingan

108 4 0
                                    

Renz POV
Friday na at nag-aayos na kami para sa pag-alis namin papunta sa antipolo inaantay na lang namin sila rain. Nandito pala kami sa bahay nila jacob dito ang naging waiting area namin ngayon.

Kung itatanong nyo kung ano nangyare pagkatapos nang pagtatalo namin kahapon malalaman nyo rin mamaya hahahahaha.

"Nasan na ba yung kapatid mo?" tanong sakin ni myloves

"Aba malay ko" walang gana kong sagot habang nakacrossed arm at nakasandal sa van

"Baka hindi na sasama" sagot naman ni dean na nasa gilid ko

"Edi maganda kung ganun" hindi sila kawalan makakaalis kami kahit wala sila

"Myloves salita mo" saway sakin ni joyce na nasa harapan ko, kaya napaiwas na lang ako nang tingin sa kanya

"Bakit kasi hindi pa kayo nagsabay?" tanong naman ni bob pero alam kong may ideya na sya tungkol sa away namin magkapatid

"Sabi nya mauna na daw ako at susunduin sya ni Arvin, edi nauna na ako" diretsong sagot ko sa kanya, napailing na lang sya he knows me well

"Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin kayo okay" pagtataka ni jacob halos lahat naman sila ay alam na hindi kami okay yun nga lang hindi nila alam ang dahilan

"Hindi ba halata" pamimilosopo ko sa kanya, napanguso naman sya bakla talaga

"Tama na nga yan, pasok na tayo sa loob na lang natin sila intayin" awat samin ni joyce

"Mabuti pa nga" pumunta na ako sa driver seat tapos pumasok na din sila sa loob

Habang nag-aantay kami ay nakikinig kami nang music. Maya maya pa ay dumating na sila.

"Buti naman dumating na ang mga VIP" badtrip na saad ko habang nakapatong ang dalawang braso ko sa manibela

"Renz!" sita ulit sakin ni joyce na masama ang tingin

"Ang tagal kasi nila" reklamo ko sabay sandal ko sa upuan

Binaba ni joyce yung bintana sa side nya.

"Sakay na kayo" utos nya sa dalawang bagong dating

Binuksan nila yung pinto ng van sa likuran at halata na nagulat sila dahil napatigil sila sa pagsakay.

"Akala ko ba hindi sya kasama, bakit nandito yan?" reklamo ni arvin na nakaturo pa kay red

"Pakialam mo ba kung kasama sya" maangas na sagot ni jacob

"Uuwi na lang ako" pananakot ni arvin samin sabay talikod nya

"Edi umuwi ka!" matapang na sagot naman ni clark

Akala naman nya may pipilit sa kanyang sumama sa amin.

"Mako naman" pagpigil ni rain sa kanya at hinawakan sya sa braso

"Ano ba sasakay ba kayo o iiwan namin kayo?" seryosong tanong ko sa kanila, sumabat na ako ang dami pa kasi nilang arte

"Sasakay na po..... Tara na Arvin" sagot ni rain at lumapit na sila ulit sa van

"Pwede ba dun na lang kayo sa likod dyan kami sa harap" utos ni arvin kila jacob na nakaupo sa likuran namin

"Kung ayaw namin sa likod may magagawa ba kayo" matapang na sagot ni jacob sa salamin lang ako nakatingin para makita sila

"Pahuli huli kasi kayo, kung maaga kayo dumating edi sana nakapili kayo nang pwesto nyo" pagtararay naman ni lhean

"Tama na po yan, dun na tayo sa likod" pag-awat ni rain sa kanila

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon