XXXIII: Bestfriend

77 2 0
                                    

Rain POV
Papunta na ako ng room nang makasabay ko si red sa paglalakad hindi ko nga alam kung saan sya nang galing.

"Good morning ulan!" nakangiting bati nya sakin

"Good morning din pula!" nginitian ko din sya

"Hatid na kita" prisinta nya

"Wag na nakakahiya" pagtanggi ko dyan lang naman ang building namin

"Diba sabi ko sayo wala kang dapat ikahiya" paalala nya sakin

"Okay sabi mo eh" pagpayag ko alam ko naman na kukulitin nya lang din ako

"Good!" sabay ngiti ulit nya at naglakad na kami

"Ano pala ang ginagawa mo dito diba sa kabilang building kayo?" juniors building kasi dito medyo malapit lang din naman yung senior building dito

"Wala naman napadaan lang" sagot nya

"Napadaan lang o baka naman may sinisilayan ka sa mga juniors" panunukso ko sa kanya

"Wala kung ano ano iniisip mo, nagseselos ka noh" pang-aasar naman nya sakin

"Kapal mo naman, bakit ako magseselos" sabay irap ko sa kanya

"Ewan ko hahahaha" sabay tawa nya

"Ewan ko sayo lakas na naman nang trip mo" masungit na saad ko, sya ang inaasar ko pero ako yung naasar

Sa sobrang daldal ni red hindi ko napansin na nandito na pala kami sa tapat ng room ko.

"Hi Red!" bati sa kanya ni mae mula sa loob ng classroom

"Uy hi daw" bulong ko sa kanya, ngumiti lang sya kay mae "Sige na punta ka na sa room nyo baka abutan ka pa ng bell" tinutulak tulak ko sya palayo sa pintuan pero mahina lang

"Sige goodluck, kita-kita na lang mamaya" paalam nya tapos bigla nya ako hinalikan sa noo tsaka sya tumakbo

"HOY! LOKO LOKO KA!" sigaw ko sa kanya, nakita ko syang tumawa lang

Pagpasok ko ang sama nang tingin ng mga mean girls sakin wala namang bago ganyan naman sila pagpumapasok ako masama ang tingin, hindi ko na lang sila pinansin at umupo na ako, etong katabi ko naman halatang kinikilig.

"Jai baka mapunit yang bibig mo" pagbibiro ko kung makangiti kasi wagas

"Nakakakilig kaya kayo kanina" kilig na sagot nya

"Sira ulo kasi yun si Red, kung anu-ano kalokohan ang ginagawa" napailing na lang ako sa ginawa nya kanina

"Yung totoo teh kayo talaga noh" tukso nya sakin na sinusundot pa yung tagiliran ko

"Baliw hindi kaibigan ko lang yun" magkaibigan lang naman talaga kami ni red

"Okay sabi mo eh pero kanina nakita ko sila Mae kung makatingin sayo parang kakainin ka na nang buhay" napansin din nya pala yun, ang dami nya talagang napapansin

"Hayaan mo sila tsaka subukan lang nila ako awayin lagot sila kila kuya" walang preno kong sagot

"Kuya? May kapatid ka na nag-aaral dito?" gulat na tanong nya

"Oo si Kuya Renz yung sa CA---" nabigla ako sa sinabi ko kaya napatakip ako sa bibig ko

"Ano! Ulitiin mo nga yung sinabi mo!" hindi makapaniwalang saad ni jai na tinatanggal yung kamay ko sa bibig ko

"Wala wala akong sinabi. Oo may kuya ako yun lang" pagsisinungaling ko tapos umiwas ako nang tingin sa kanya

"Hindi sabi mo kuya mo si Tenz yung sa CABs" pangungulit nya na pinipilit pa akong humarap sa kanya

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon