LII: Pagbabalik to Pagkakagulo

113 3 0
                                    

Red POV
Balik na ulit kami sa dati at tuloy tuloy pa rin ang panliligaw ko kay rain. Akala ko talaga matagal ko pa bago sila makita, akala ko may maiiwan ulit ako at akala ko matagal ko pa syang makakasama muli, mabuti na lang at napapayag namin ang parents namin na maiwan na lang ulit kami dito sa pilipinas.

Nasa room kami ngayon at kararating lang ng teacher namin kaya nagsipag-ayusan kami ng upo.

"Goodmorning class!" bati ni Mr. Quexada samin

"Goodmorning sir!" bati naman namin sa kanya

"Before we start, you have a new/old classmates" paliwanag ni Mr. Quezada

"May transferee"
"May nagbabalik"
"Sana lalaki"
"Sana pogi"
"Chix sana"

"Hays mga classmate talaga natin" napailing na lang si clark sa mga classmate namin na mahilig magbulungan

"Ang dadaldal" inis na saad naman ni sheng

"Please come in and introduce yourself" utos ni Mr. Quezada

Pumasok na yung tinutukoy ni sir at nagulat naman sila renz pati pala ako nang makilala namin kung sino yung bagong magiging classmate namin. Hindi pwede ito baka guluhin nya si rain.

"Hi! I'm Arvin Vino Alcaran, 17 yrs old" nakangiting pagpapakilala ni arvin sa lahat

"OMG bumalik sya"
"Member yan ng CABs"
"Ang gwapo nya pa rin"

"Hello! I'm Bernadeth Delis, 17 yrs old" pagpapakilala naman ni berna

"Ganda pa rin nya"
"Member din ng CABs yan"
"Kumpleto na ulit sila"
"Mas dumami na sila"

Hindi talaga pwede ito malaking gulo ang gagawin nila, mas mahihirapan magmove-on si rain kung araw araw nya nang makikita yung taong kinakalimutan nya.

Napasapo ako sa noo ko at nakita ko naman si renz nakayukom yung kamay nya.

"Lakas ng loob nilang bumalik!!" inis na saad ni franz

"Kapal ng mukha nila!!" galit na saad naman ni jacob

"Hindi pwede ito nagsisimula pa lang si Rain magmove-on" pag-aalala naman ni joyce

"Malaking gulo na naman ito" napailing naman si dean

"Hindi pwedeng malaman ng kapatid ko na bumalik na sila" madiin na sabi ni renz

"Jusko bakit bumalik pa sila" inis na saad naman ni lhean

"Subukan lang nila manggulo makakatikim na sila satin" galit na banta ni renz

"Okay guys relax lang" pagpapakalma ko sa kanila at bumuntong hininga kaming lahat

Kailangan kong maging mahinahon dahil kung lahat kami ay mainit ang ulo baka wala nang umawat samin at baka bigla magkagulo dito mismo ngayon. Kaya red magrelax ka lang tatagan mo ang loob mo para sa kanila at lalo na kay rain.

"Please sit down Mr. Alcaran at Ms. Delis" utos sa kanila ni sir

"Thank you sir" sabi nila na sabay

Umupo sila sa harapan namin dahil dun may bakante tapos nagsimula na ang klase.

.

.

.

Tapos na ang major subject pero hindi pa rin kami mapakali lahat pwera lang sa dalawa, nasa Cafeteria na kami ngayon kumakain.

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon