XLI: Math Quiz Bee

95 3 0
                                    

Rain POV

Ilang araw din ako hindi pinapasok ni daddy dahil sa nangyare sakin, wala akong ginawa sa bahay kundi ang magreview para sa competition na sasalihan ko.

Ngayong araw na gaganapin ang math quiz bee at nandito kami ngayon sa back stage kasama ang ka-grupo ko sa math.

"Bes ready ka na ba?" tanong sakin ni jai

"Si leader pa ba" tiwalang tiwala talaga si jhena sakin

"Tama! Siguradong handa na yan" pagsang-ayon naman ni remilyn sa kanya

"Hahahah oo okay lang ako medyo kinakabahan nga lang baka matalo kasi ako" ngayon na lang ulit kasi ako lalaban sa ganitong patimpalak

"Mananalo ka leader tiwala lang" saad ni edmar ganyan sila katiwala sakin

"Nafi-feel namin na ikaw ang mananalo" positibong saad ni jhena

"Tama sila bes ikaw pa ba may tiwala kaming mananalo ka" ang supportive talaga ng bestfriend ko

"Salamat sa inyo guys" niyakap ko silang apat, buti na lang nandito sila kahit papaano nawala ang kaba ko

Nagvibrate yung phone ko.

~

From: Kuya

     Nandito na kami pati sila mommy. Papunta na ang kami ng barkada dyan sa backtage. See you bunso 😘

~

Naku papunta na sila kuya dito hindi sila pwedeng makita ng mga classmate ko.

"Jai papunta na sila kuya dito, hindi nila pwedeng makita na magkasama tayo" bulong ko kay jai

"Sige ako na bahala"  bulong nya pabalik tapos tinapik nya likod ko at humarap sya kila jhena "Guys ako na bahala dito punta na kayo dun sa harapan baka maubusan tayo nang mauupuan" pagdadahilan ni jai sa kanila

"Oo nga pala madaming tao sa labas" sagot ni edmar

"Sige una na kami" paalam ni remilyn

"Goodluck leader!" nakangiting saad ni jhena

"Salamat sa inyo!" nakahinga na ako nang maluwag ng makaalis sila "Buti naman nakinig agad sila. Salamat sa tulong mo Jai" hinawakan ko sya braso sabay ngiti

"Wala yun" ngumiti din sya sakin

Dumating naman sila kuya, grabe ang mga ngiti nila akala mo nanalo na ako hahahaha.

"Bunso goodluck sayo!" bati sakin ni kuya at inakbayan ako

"Salamat kuya" niyakap ko naman sya

"Okay ka na ba? Wala na bang sumasakit sayo?" pagchecheck sakin ni kuya

"Wala naman po at okay na po ako" masiglang sagot ko, hindi pa masyadong magaling ang mga sugat at pasa ko at hindi na gaano masakit

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon