LIX: Ang Pagbawi

107 4 0
                                    

Ilang beses na sinubukan ni rain bumawi kay red pero lagi syang bigo dahil hindi sya pinapansin nito, katulad ngayon.

Sa cafeteria nahuling dumating si red. Nagulat pa sya dahil may mga pagkain na sa lamesa nila.

"Tara na kain na tayo" aya ni renz sa kanya

"Libre yan ni Rain" sabay ngiti ni jacob

"Nakabili na pala kayo, sandali lang bibili lang ako ng sakin" pagpatay malisya ni red sa sinabi ni jacob

"Ano ka ba para satin lahat yan" pagpigil ni dean sa kanya

"Nag-crave kasi ako sa siopao" palusot ni red pero ayaw nya lang kainin yung galing kay rain

"Ako na lang bibili" prisinta ni rain pero hindi sya pinansin ni red

"Bili lang ako guys" paalam ni red tsaka sya umalis at pumila sa counter

"Try it next time lil sis" pagcocomfort ni renz sa kapatid

"Isip ka na lang ulit ng ibang paraan" dagdag ni joyce

"Opo, alam kong naman pong may ibang paraan pa po" sabay ngiti ni rain

"Think positive lang bes" pagpapalakas ng loob ni jai sa bestfriend

Nang dumating si red ay kumain na sila sabay sabay. Suportado talaga ng magkakaibigan na magkabati ang dalawa.

.

.

.

Another day........

After class nasa tambayan sila. At nagpaplano kung ano gagawin nila bukas. Nakasanayan na kasi nila na every weekend ay magba-bonding sila.

"Weekend na bukas, anong balak nating gawin?" tanong ni franz sa lahat

"Movie marathon tayo" suggestion ni clark

"Lagi na lang Moma, iba naman" pag-ayaw ni sheng

"Magmall tayo?" suggestion naman ni lhean

"Lagi na lang din tayo nasa mall eh" sagot ni dean, alam nya din na puro shopping lang ang gagawin ng girls

"Kung sa park na lang kaya tayo mag punta" suggestion naman ni red

"Oo nga parang yung dati nating ginagawa nung mga bata pa tayo" masayang saad ni rain

Tumingin sa kanya si red pero umiwas agad ito sa kanya.

Napatahimik silang lahat, naging akward ang paligid kaya nagsalita agad si renz.

"Magpicnic na lang tayo sa park" sabay ngiti ni renz

"Oo nga maiba naman" pagsang-ayon ni bob kay renz

"Sige yun na lang ang gawin natin bukas. G ba kayo?" tanong ni joyce sa lahat

"GAME!" sabi nila pwera lang sa dalawa

"4pm sharp sa park. Walang male-late ah" maotoridad na utos ni renz sa kanila

"Ang malate manlilibre ng lunch sa monday" pakikipagkasundo ni franz sa lahat

"DEAL!" sagot nilang lahat

"Wala nang bawian yan ah, goodluck na lang sa laging late diba Jacob" pagpaparinig ni clark

"By mga 3pm tayo punta sa park ah" paliwanag ni jacob sa girlfriend

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon