Red POV
Nandito ako sa parking lot inaantay ko si rain wala lang trip ko lang. Ilang sandali lang at ayan na sila dumating na sya."Good morning ulan!" bati ko sa kanya pagkababa nya sa kotse
"Uy good morning din" bati nya pabalik sakin
"Good morning bro!" bati ko naman kay renz pagkababa nya
"Good morning din bro! Mauuna na ako sa inyo" sabay tapik nya sa balikat ko at umalis na din sya agad
"So anong meron?" nagtataka naman si rain dahil naiwan pa kami parehas dito sa parking lot
"Wala naman, igu-goodluck lang sana kita... Goodluck ulan!" masigla kong bati sa kanya
"Salamat hahahaha" sabay ngiti nya
Kumpleto na ang araw ko dahil napangiti ko na sya ngayon, isa sa mga goal ko ang mapasaya at mapangiti sya araw araw.
"Para sayo" inabot ko sa kanya yung chocolate "Hatid na kita" aya ko sa kanya
"Para saan naman ito? Tsaka hindi ako pilay para magpahatid hahahaha" pabirong sabi nya
"Wala lang masama bang magbigay ng chocolate, ayaw mo ba sige akin na ulit" pabiro kong pagbawi n
"Eto naman hindi mabiro. Tara na nga!" sya na ang nag-aya ngayon
"Gusto rin naman dami mo pang sinasabi" naglakad na kaming dalawa papunta sa building nila
"Tse! Pero salamat dito" tinaas nya yung chocolate na bigay ko
"Welcome para sayo hahahaha" para sayo lahat gagawin ko
"Ayan ka na naman" pagbabanta nya, naiilang sya sa tuwing nagiging sweet ako sa kanya
"Oh bakit wala naman akong ginagawa?" pagpatay malisya ko nagpapakasweet lang naman ako sayo
"Ewan ko sayo" pagsusungit nya, isa yan sa nagpapaganda sa kanya
"May tanong ako sayo?" pag-iiba ko nang usapan
"Ano yun?" takang tanong naman nya
"Kaya ka ba umalis kahapon dahil nabadtrip ka sakin" bigla kasi syang umakyat sa kwarto nya kahapon
"Huh? Hindi! bakit?" tanong nya ulit
"Wala akala ko nabadtrip ka sakin kaya ka umakyat tapos bumaba ka na lang nung kakain na" takot ko lang na hindi nya ako pansinin
"Ah kaya mo pala ako binigyan ng chocolate akala mo badtrip ako" natatawang sagot nya
"Parang ganun na nga pero bibigyan pa rin kita nyan kahit hindi ka badtrip, gusto mo araw araw pa eh" pabirong pagmamayabang ko naman
"Edi ikaw na ang mayaman hahahaha" buo na talaga ang araw ko dahil napasaya ko na sya
"Akala mo naman hindi sila mayaman hahahaha" biro ko naman sa kanya, wala nang makakapagbadtrip sakin
"Ewan ko sayo. Pano ba yan nandito na ko sa room. Salamat sa paghatid, ingat sa pagpasok" paalam nya at nginitian nya ako
"Walang anoman. Sige una na ako" bigla ko syang hinalikan sa noo sabay takbo ko
"HOY! NAKAKADALAWA KA NA, PATAY KA TALAGA SAKIN!" sigaw naman nya sakin tapos tumigil ako malapit sa hagdanan at tumingin sa kanya
"BABAY!" sigaw ko pabalik at kumaway pa ako sa kanya
BINABASA MO ANG
Love and Sacrifice
FanfictionHow far can you give for love? What can you do for your loved ones? Are you willing to sacrifice your love and life? Will she choose her past because they made a promise to each other or will she choose her present that fulfill what she miss from t...