LXXXVIII: THE END

334 10 5
                                    

Dinala na sa pinakamalapit na hospital sila rain, red at arvin.

Nasa loob na ng ER ang tatlo, samantala ang mga kaibigan at pamilya nila ay nasa labas ng ER nagdadasal habang nag-aantay.

Nagamot na din ang mga sugat na natamo ng magkakaibigan sa pakikipaglaban nila.

Ilang oras ang nakalipas ay lumabas ang isang doctor mula sa ER.

"Sino po dito ang pamilya ni Rain at Redbert?" tanong ng doctor pagkalabas nya na nakatingin sa chart

"Kami po!" sagot nilang lahat

"Lahat kayo?" nagulat naman ang doctor sa dami nila

"Kami po ang magulang ni Rain at sila naman po ang magulang ni Redbert, bakit ho?" paliwanag naman ni dominick at lumapit silang apat nila roberto sa doctor

"Kailangan na po ni Rain ma-operahan sa puso dahil kung hindi, hindi na kakayanin pa ng puso nya at titigil na ito ng kusa sa pagtibok" paliwanag ng doctor sa kanila

Napayakap si rainelyn sa asawa at naiyukom naman ni renz ang kamay sa galit at kusa tumulo ang mga luha nila.

"Sa anak ko ho?" tanong ni roberto sa doctor

"Dahil may cerebral aneurysm sya kailangan na nya ding ma-operahan bago pa pumutok ang blood cloth sa utak nya at maging sanhi ito ng pagkamatay nya" paliwanag ulit ng doctor sa kanila

Nagulat naman ang mga kaibigan ni red sa nalaman nila, pero kahit isa sa kanila hindi makapagreact at makapagsalita.

"Pakiusap po Doc gawin nyo po ang lahat para makaligtas sila" pakiusap ni rainelyn sa doctor

"Sige ho operahan nyo na sila, iligtas nyo po sila" pakiusap din ni isabella

"Kahit magkano pa ang abutin Doc, basta gumaling sila" sagot ni roberto wala na syang pakialam kahit maubos pa ang pera nila basta mabuhay pa ang anak at ang kasintahan nito

"Gawin nyo po ang -----" dominick

Napatigil silang lahat dahil sa narinig nilang isang malakas at mahabang tunog.

Toooooooooooooooooooot!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

After 10 years.......
Sa sementeryo....

Magkakasama ang boys na bumisita sa sementeryo may dala silang bulaklak at kandila.

"Kamusta na kayo?" pagbati ni renz sa lapida at inilapag ang bulaklak na dala nila

"Grabe noh sabay pa talaga kayong nawala" malungkot na saad ni bob na nakatingin din sa lapida

"Ang dami pa nating pangarap dati bro" dugtong ni clark na nakatingin din sa lapida

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon