Rain POV
Pagkatapos ko gamutin si arvin nagpaalam sya sakin na lalabas daw muna sya."Labas na muna ako" paalam ni arvin sabay tayo nya
"Bakit? Baka hindi ka pa okay" pag-aalala ko, madami kasi syang pasa at sugat
"Wag kang mag-alala ayos na ako, tsaka maglilibot lang ako baka kasi mapag-initan na naman nila ako dito" desidido na talaga si arvin na umalis
"Samahan na kita" mungkahi ko at tumayo na rin ako
"Hindi wag na baka mapagod ka pa. Sige alis na ako" paalam ulit nya at pinaupo ako
Pagtapos nya ako halikan sa noo umalis na sya. Pagkaalis nya pumasok naman si kuya ako naman ay tumayo para kunin yung libro sa bag ko.
"Myloves!" nakangiting tawag ni kuya kay ate joyce na hindi man lang tumingin sakin
"Bakit myloves?" nginitian din sya ni ate joyce
"Ready ka na ba mamaya?" umupo si kuya sa tabi ni ate joyce
"Hahahah parang excited ka na para mamaya" natatawang sabi naman ni ate joyce
"Syempre naman sigurado akong hindi na magiging epic ito hahahahah" sabay tawa ni kuya, napangiti naman ako dahil may naalala ako tungkol dun
"Tama ka dyan, puro epic kasi date natin" pagsang-ayon ni ate joyce sa kanya
"Salamat talaga kay Red" masayang sabi ni kuya
"Oo nga eh sya gagastos lahat pati yung groupdate nila" ang swerte naman nila kuya at ng barkada
"Hindi talaga sila papatalo kung may solo date tayo sila naman groupdate" biro ni kuya sa kanya
"Ang dami talagang pakulo ni Red" iiling iling na sabi ni ate joyce
"Ano pala susuotin mo mamaya?" tanong ni kuya kay ate joyce ako nakikinig lang sa usapan nila
"Dress daw sabi ng girls kailangan daw kahit papaano may pagkaformal daw tayo kasi solo date daw yung atin" sagot naman sa kanya ni ate joyce
"Tsaka sabi nga pala ni Jacob kailangan daw parehas nang kulay yung mag partners diba dami nilang alam" natatawang sabi ni kuya
"Sinabi mo pa. Anong kulay naman satin?" tanong naman ni ate joyce
"Kung magwhite kaya tayo?" suggestion ni kuya sa kanya
"Sige sige ayos yan" pagsang-ayon ni ate joyce
"Tara labas muna tayo manood muna tayo ng TV habang inaantay natin sila" aya naman ni kuya kay ate joyce
"Sige tara" sagot naman ni ate joyce
Tumayo na sila at lumabas ng kwarto, ako naman ay naiwan mag-isa dito.
May mga date pala sila mamaya magkakasama na naman sila at magsasaya samantala ako nag-iisa lagi kasing umaalis si arvin hindi ko naman alam kung saan sya pumupunta.
Mga ilang oras ang nakalipas nang bumalik na sila red at nagsimula na sila mag-ayos buti tapos na ako maligo nung pumasok yung girls sa kwarto.
"Joyce excited ka na ba?" tanong ni sheng kay ate joyce
"Sobrang ganda nung design" pagbibigay ni lhean ng clue
"Talaga? nakakaexcite naman" masayang sabi ni ate joyce halata talaga yung sa kanya yung excitement
BINABASA MO ANG
Love and Sacrifice
FanfictionHow far can you give for love? What can you do for your loved ones? Are you willing to sacrifice your love and life? Will she choose her past because they made a promise to each other or will she choose her present that fulfill what she miss from t...