XXVIII: Ang Pagkakagulo

126 5 0
                                    

Renz POV
Pagkaalis ni red inubos lang namin yung beer at bumalik na din kami ng villa. Hindi naman kasi kami pwedeng uminom nang madami baka tanghaliin kami nanggising bukas at hindi pa namin masulit ang huling araw namin dito.

"Oh akala ko ba bumalik na dito si Red eh bakit wala pa sya dito?" tanong ko sa kanila pagdating namin sa sala sabay upo ko sa sofa

"Baka naman naglibot libot lang" sagot naman ni joyce sakin at tumabi sya sakin

"Tumakas lang sa pag-inom yun hahahahaha" pagbibiro ni jacob tapos umupo na rin sila

Nagtawanan kami.

"Baka nga hahahaha" hindi kasi sanay uminom ang isang yun

"Kamusta kaya si Rain at Arvin tulog na kaya sila?" tanong naman bigla ni bob samin

"Tignan natin" sagot ni dean sa boyfriend nya

Silang dalawa talaga yung mahaba ang pasensya at maalalahanin kagalit man o hindi. Pumasok na si bob sa kwarto ng boys, si dean naman sa girls.

"Walang tao sa kwarto" sabi agad ni bob paglabas nya

"Pati si Rain wala din" ganun din si dean

"Baka magkasama yung dalawa" mabuti na yung magsaya din silang dalawa

"Siguro nainggit satin kaya nagdate din hahahaha" biro naman ni sheng, nagtawanan naman kami

"Baka nga hahahaha" pagsang-ayon ni lhean sa kanya, magbestfriend talaga silang dalawa

Habang nag-uusap usap kami, may biglang pumasok na kinakunot ng noo ko.

"San kayo galing at nasan ang kapatid ko?" seryosong tanong ko sa kanya, mag-isa lang kasi syang pumasok

"Kapatid mo?" tinignan nya pa yung mga taong kasama ko "Hindi ko alam iniwan ko sya dito kanina" maangas na sagot ni arvin

"Ano! Iniwan mo mag-isa dito kapatid ko at san ka naman nagpunta kay Berna nakipaglandian ka na naman?!" lumakas na ang boses ko sa inis, bakit nya pinabayaan mag-isa ang kapatid ko

"Grabe ka naman makapagsalita parang hindi tayo magkakaibigan, tsaka may ebidesya ka ba?" panghahamon sakin ni arvin, naghanap pa talaga sya nang ebidensya

"Magkakaibigan? Alam mo pala yung salitang kaibigan?" sarcastic na tanong ni joyce sa kanya

"Oo dati magkakaibigan tayo pero ngayon hindi na!" matapang na sagot ko, wala na akong pakialam sa pagkakaibigan namin

"Bakit dahil ba kay Red ha dahil sa gagong yun nauto na nya kayo, ang bilis nyo naman akong palitan" tumaas na din ang boses ni arvin

"Walang kinalaman si Red dito tsaka wag kang mangdamay nang ibang tao" tumayo na ako nakita ko naman na tumayo din yung boys

"Bakit hindi? Eh sya naman talaga may kasalanan nang lahat, tignan nyo nga pinagkakaisahan nyo na ako, nalason na talaga ni Red ang mga utak nyo!" inis na sabi ni arvin samin

"Ikaw ang kusang lumalayo samin. Ikaw ang gumagawa nang dahilan para layuan ka namin" galit na sagot ni joyce sa kanya

"At wag mong isisi sa iba yung kasalanan na ginawa mo, oo nalason na nya ang utak namin pinakita nya samin ang totoong ikaw!" dinuro duro ko sya, tumataas na ang dugo ko sa kanya

"Talagang kinakampihan nyo pa sya, bakit nadaan nya kayo sa kayamanan nya nauto na nya na kayo sa pera nya" mayabang na sagot ni arvin sakin

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon