LX: Bati na tayo?

148 2 0
                                    

Sa tambayan....

Naunang dumating sina renz, joyce, red at rain dahil may dinaanan pa yung iba nilang mga kaibigan.

"Red at Rain maiwan muna namin kayo dito at bibili lang kami ng pagkain" paalam ni renz sa dalawa

"Tapos antayin nyo na lang din dumating sila Jacob" dugtong ni joyce sa sinabi ni renz

"Sige bro!" nagfistbump sila ni red

"Okay po kuya!" humalik na si rain sa kuya nya at kay joyce

Pagkaalis nila renz naging tahimik lang ang dalawa at pasulyap sulyap si rain kay red.

Dahil hindi mapakali si rain naglakas na sya ng loob magsalita.

"R-red can we talk?" kinakabahang tanong ni rain

"We're talking now" pero hindi tumingin si red sa kanya

"C-can I ask a question?" utal na tanong ni rain

"You're asking now" cold na sagot ni red

"Are you still m-mad?" natatakot si rain sa sagot pero kailangan nya malaman

"What do you think?" malamig pa rin na sagot ni red

"I-i think it's y-yes" napayuko na lang si rain

"Alam mo naman pala nagtatanong ka pa" masungit na sabi ni red

"Red I'm sorry s-sana mapatawad mo na ako, kasi namimiss na kita" malungkot na saad ni rain

"Really? Namimiss mo ako kasi ano? wala na si Arvin. Ganyan ka naman Rain pag nagsawa sa isa dun ka naman sa isa. Ano tingin mo sakin reserba. Ayoko na maging second choice Rain! Lagi na lang ako ang pangalawa nakakasawa na tapos bandang huli iiwan at masasaktan lang din naman pala ako" galit na saad ni red

"Grabe ka naman ganyan ba ang tingin mo sakin ha" nasaktan si rain sa mga sinabi ni red

"Ganyan kasi pinapakita mo" inis na sagot ni red

"Fine kung ayaw mo ako patawarin edi wag hindi na kita pipilitin. Wag mo lang sana ako pag-isipan ng kung ano ano" inis na sagot ni rain hindi nya gusto ang sinabi ni red sa kanya

"Tsk! Suko ka na agad? Sabagay konting labing at salita nga lang ni Arvin sumuko ka na napatawad mo agad sya. Ako pinaasa na nga binalewala pa, iba ka na talaga" sumbat ni red sa kanya

"OO IBA NA AKO! DAHIL SA PAG-IWAN MO SAKIN NAG-IBA AKO!!!" sigaw ni rain sa kanya sabay walk-out

Sakto dumating naman ang barkada nila.

"Iniwan lang namin kayo nag-away agad kayo" bungad ni joyce kay red

"Hindi mo ba talaga mapapatawad ang kapatid ko?" seryosong tanong ni renz sa kanya

"Hindi pa sa ngayon" simpleng sagot ni red

"Sabihin mo na lang kung hindi mo sya kayang patawarin naiintindihan ko naman, pero wag mo naman syang paiyakin at saktan" medyo may inis sa boses ni renz dahil hindi nya na kayang makitang nasasaktan ang kapatid nya

"Hindi naman kasi ganun kabilis magpatawad kung ikaw nga hindi mo pa napapatawad si Arvin. Sorry kasi hanggang ngayon masakit pa din" pangangatwiran ni red

"Red alam ko pero alam mo naman kung ano ang pakiramdam ng masaktan kung ikaw nga hindi mo kinaya pano pa kaya ang kapatid ko" paalala ni renz sa kanya

"Alam ko naman yun. Ang gusto ko lang naman ay matuto sya sa kamalian nya" sagot ni red

"Red ikaw pa ba yan kasi hindi ganyan yung Red na kilala namin" pag-aalala ni renz

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon