LXXV: Intrams

68 3 0
                                    

Ilang araw din sila naging busy, halos hindi na nga sila magkita kita magkakaibigan after class dahil may mga kanya kanyang paghahandang ginagawa.

Ang girls ay nagpapractice ng cheerdance tuwing pagtapos ng klase nila araw araw, ganun din ang boys after class basketball training ang inaatupag tapos si Rain naman sa library ang diretso para sa pagrereview. Tuwing weekend naman nasa bahay nila renz ang boys para magpractice ng pagtugtog habang si joyce at rain ay nasa library nila para magreview din.

Hindi na nga sila nakakadalaw sa Shop nila at hindi na rin sila tumutulong dahil sa sobrang dami nilang ginagawa.

Itong araw na ito ang araw na pinaghahandaan nila ng ilang linggo. Dahil first day of intrams ngayon at Basketball ang unang maglalaban laban.

"Guys are you ready?" tanong ni Coach Paul sa team habang nasa locker room nila

"Yes coach!" sagot ng SA Varsity

"This is your last game, give your last best shot.... You can do this boys" pagpapalakas ng loob ni Coach Paul sa team

"Kaya natin ito guys sabi nga ng kapatid ko relax and enjoy. Enjoyin nating ang huling laro natin. Let's go" confidence na saad ni renz sa team

"Aye aye captain!" sagot nila sabay sabay

"Let's call our last team The Black Wildshark from Samson Academy" pagpapakilala naman ng emcee sa team nila

Naghiyawan naman yung mga tao especially ang mga SAmsonians.

"Go SA! Go SA! Let's Go, Let's Fight Team Black Wildshark!" cheer ng mga samsonians

"And now let's start the game, this will be double elimination round. First game Chamuel College vs Therese College, Second game International School vs Thomas Catholic Academy, third game Zimson Academy vs Samson Academy and fourth game Platinum School vs Perez Academy" paliwanag ng emcee kung sino sino ang mga magkakatapat na school

Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat.

"Let's begin the first round...." pag-uumpisa ng emcee sa laro

Lumabas muna ang boys dahil matagal pa naman ang laro nila, kasama nilang pumunta sa cafeteria ang girls.

"Shit! Bakit sila pa ang kalaban natin" hinampas ni renz yung lamesa sa sobrang inis

"Badtrip naman!" inis na saad naman ni jacob

"Natatakot ako para sa inyo" pag-aalala ni joyce sa kanila habang nakayakap sa kasintahan

"Relax! Pero bakit ba?" pagtataka naman ni red dahil wala syang ideya sa mga sinasabi ng mga kaibigan

"Bro madudumi sila maglaro" paliwanag ni jacob sa kanya

"Ano ang ibig nyong sabihin?" naguguluhan naman si red ngayon

"Brutal sila maglaro Red. Lahat ng laro nila ay pisikalan" inis na paliwanag naman ni clark

"Madadaya sila kung baga, ayan ang pinaka-ayaw kong kalaban" pag-amin ni franz na takot sya kalaban ang makakalaban nila ngayon

"Kaya Red mag-iingat ka, kasi pinupuntirya nila yung magagaling na player" payo ni bob sa kanya dahil alam nyang magaling ito maglaro

"Boys kayo din mag-iingat kayo" paalala din naman ni dean sa kanila

"Ganun ba talaga sila katindi maglaro?" tanong ni red dahil first time nya maglaro sa intrams at unang beses nya makakalaro ito

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon