LXXXIV: Paalam

75 4 0
                                    

Happy 1k readers!!!!

Thank you for reading my story hope you enjoy my work!

Last 5 chapters and the CABs will be saying goodbye to us.

-------------++++++------------


Kinabukasan nagpunta si red sa bahay nila rain.

"Love!" masayang bati ni rain pagkakita sa boyfriend at niyakap sya nito

"Bro napadalawa ka tara pasok" nakangiting saad ni renz at nakipag man hug sa kanya

Pumasok na sila sa loob ng bahay at dumeretso sa sala.

"Namiss ko lang naman ang pagdalaw dito" sabay ngiti ni red sa magkapatid

"Namiss mo ang pagdalaw o namiss mo ang kapatid ko?" pang-aasar naman ni renz sa kanya

"Kuya naman" nahihiyang saway ni rain sa kapatid

"Both pero mas namiss ko ang kapatid mo" sabay kindat nya kay rain

"Bolero! Kukuha muna ako ng makakain natin" natatawang paalam ni rain sa dalawa

Pumunta na si rain sa kusina at naiwan naman ang dalawa sa sala at yun na ang pagkakataon ni red para makausap ng masinsinan ang matalik na kaibigan.

"Renz may pakiusap sana ako sayo" may lungkot sa boses ni red

"Ano yun?" naramdaman naman ni renz yung bigat na dinadala nya

"Pwede bang masolo ko ulit ang kapatid mo kahit dyan lang sa garden nyo ngayong araw lang" pakiusap ni red sabay ngumiti ng pilit sa kaibigan

"Oo naman kahit araw araw pa basta maging masaya lang sya at kayo" panunukso ni renz sa kanya na hindi pinansin ang lungkot na nakikita sa kaibigan

"Bro sana wag kayong magagalit sakin sa gagawin ko" seryosong paliwanag ni red

"What do you mean?" pagtataka naman ni renz sa kanya

"Patawarin nyo ako sa gagawin ko pero eto lang kasi ang naiisip kong paraan para maging maayos ang lahat..... Mahal ko kayo at mahal na mahal ko sya kaya ko gagawin yun. Kayo na ang bahala sa kanya" paghahabilin na ni red dahil alam nyang si renz ang makakaintindi sa kanya

Naguluhan naman si renz sa sinabi nya dahil parang hindi na tungkol sa sakit nya ang problema nya. Magsasalita na sana si renz ng dumating ang kapatid nya na nakangiti at dala ang mga pagkain.

"Ano pinag-uusapan nyo?" nakangiting tanong ni rain sa kanila at inilapag ang pagkain sa mesa

"Wala boys talk" sabay akbay ni red sa kanya

"Ah okay" sagot agad ni rain

"Ah love tara dun tayo sa garden nyo nakapagpaalam na ako sa kuya mo na sosolohin kita" nakangiting saad ni red pero hindi pa rin mawala ang lungkot na nararamdaman nya

"Puro ka talaga kalokohan tara na nga. Kuya sa garden lang po kami" paalam na ni rain sa kapatid

"Sige sa kwarto lang ako" sagot ni renz

Nagpunta na sila sa garden umupo ulit sila sa may ilalim ng puno at katulad ng dati nakayakap si red kay rain at nakasandal naman sya kay red.

"Love pwede bang ganito na lang ulit tayo hanggang mamaya" pakiusap muli ni red dahil alam na nya na ito ang huling yakap nya sa girlfriend

"Okay para sayo alam ko naman na naglalambing ka lang" pagpayag ni rain masaya naman sya pag nasa ganung posisyon silang dalawa

"Salamat love. I love you!" malabing na saad ni red sa kanya

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon