LXXXVI: I need to do this

119 3 0
                                    

Rain POV
Nandito ako sa labas ng bodega ako lang mag-isa. Pagpasok ko nakita ko si red nakayuko, nanghihina at duguan.

"Love!" pagtawag ko sa kanya

Tumingin sya sakin at lumapit ako sa kanya.

"Love a-anong ginagawa mo dito, u-umalis ka na dito" utos nya sakin na mesyo hindi ko na marinig dahil sa panghihina nya

"Hindi ako aalis hanggat hindi kita kasama, hindi kita iiwanan. Kailangan sabay tayo umalis dito" hinawakan ko ang pisngi nya hinihiga nya pa ang mukha nya sa palad ko

May pumasok na isang lalaki.

"Sabi ko na nga ba pupunta ka" nakangiting saad ni arvin

"Arvin pakawalan mo na si Red, nandito na ako!" pakiusap ko sa kanya

"Rain t-tumakas ka na, w-wag mo na a-ako alalahanin!" mahinang utos ulit ni red sakin

"Aw! Ang sweet naman, sige sulitin nyo na yan dahil huling pagkikita nyo na yan" pagbabanta ni arvin samin

"Anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko

"Dahil mawawala na sya sa mundong ito" kinasa ni arvin yung baril na hawak nya

"Rain, RD, Love tandaan mo mahal na mahal kita, iloveyou lo---" red

BANG!

"NOOOOOOOOOOO!" sigaw ko
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Bigla akong nagising kaya napabangon ako at huminga ng malalim.

"Whooo! Panaginip lang pala" napahawak ako sa dibdib ko, kinabahan ako dun

Nasa kwarto pala ako kaya pala wala sila at walang maingay, nananaginip lang pala ako kanina para kasing totoo. Makababa na nga lang para makibalita sa nangyare nung tulog pa ako.

Pababa ako ng hagdan nang may marinig akong nag-uusap-usap pagdating ko sa huling baytang nakita ko yung ng barkada nila daddy.

Yung barkada naman nakaupo lang at nakikinig sa mga magulang namin, kaya umupo muna ako sa hagdanan at nakinig sa usapan nila.

"Akala ko pa naman okay na tayong lahat, hindi pa pala may isa pa palang napag-iwanan" iiling iling na sabi ni tito bobby

"Nagkaroon na tayo ng kanya kanyang pamilya hindi pa rin sya nakakamove-on" mataray sabi naman ni tita lhea manang mana si lhean sa kanya

May mga past pala sila, hindi alam ang mga yun.

"At kinunsinti nya pa yung anak nya sa ganung gawain" inis na sabi ni tita joana

"Dinamay pa nila yung mga bata" napailing naman din si tita mina

"Ano pala ang plano nyo?" tanong ni tito marky kila tito roberto

Oo nga pala ano na nga ba ang plano? Paano namin makukuha si red.

"Hindi namin alam, pinaubaya na muna namin sa mga pulis. Hindi naman din namin alam ang gagawin namin" matamlay na sagot ni tito roberto

"Pero ang gusto ng anak ni Vino na kunin ang anak namin kapalit ni RJ" kwento naman ni mommy sa kanila

Siguro kararating lang din nila dito sa bahay kaya ngayon lang pinapaliwanag nila mommy ang nangyare.

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon