XXXVIII: Throwback

86 3 2
                                    

Rain POV
2weeks na akong hindi nagpapakita at sumasama sa barkada. 2weeks na din akong nagkukulong sa kwarto at 2weeks na rin akong nasasaktan.

"Rain bakit hindi ka pa magsumbong sa kuya mo para mabigyan na ng leksyon yang sila Mae" pagsa-suggest ni jai na lagi kong kinokontra

"Alam mong ayaw ko na nag-aalala sila at ayoko maging malungkot sila at lalong ayoko na nakikipag-away sila nang dahil lang sakin" paalala ko sa kanya, laban ko ito hindi na dapat nila malaman pa

"Pero tignan mo naman nangyayare sayo after breaktime okaya naman dissmissal sa clinic ang diretso mo" panenermon nya sakin dalawang linggo na rin nya ako sinesermunan

Oo nasa clinic kami ngayon hindi lang ngayon 2weeks na din ako laging nasa clinic, kaibigan na nga namin yung school nurse dito.

"Okay lang naman ako tsaka nagalit lang naman siguro sila dahil natalo na naman natin sila" parang hindi naman sya nasanay na ganun na talaga sila mae

"Anong okay dun? Walang okay dun Rain pag sinasaktan ka na nila" naiinis na saad ni jai

"Hindi naman ganun ka-grabe yung ginagawa nila" pero masakit pero ayos lang naman ako

"Anong hindi?... Alalahanin mo nung last monday kung anong nangyare satin" inis na saad nya

*********FLASHBACK*********

Monday ngayon at break time na nang harangin kami ng mean girls.

"Bakit? Anong kailangan nyo?" tanong ko sa kanila

"Ano ba problema nyo samin?" mataray na tanong ni jai sa kanila

"Sayo wala, pero sa kanya meron" tinuro ako ni mae

"Ano ba ang problema?" tanong ko ulit sa kanya

"Aba nagmamaang maangan ka pa, parang hindi mo alam, akala mo talaga totoong inosente ka"  inis na saad ni mae

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" baliw na talaga sya

"Pilosopo ka ha!" sabay sabunot sakin ni mae

"Aray! Ano ba bitawan mo buhok ko" pagpupumiglas ko habang hawak ang kamay nya na nasa buhok ko

"Bitawan mo nga si Rain" utos ni jai sa kanya habang tinatanggal yung kamay ni mae sa buhok ko

"Wag kang mangialam dito!!!" sigaw ni mae sabay bitaw sa buhok ko at tinulak si jai

"Ano ba talaga problema nyo? Bakit pati si Jai dinadamay nyo?" matapang na tanong ko sa kanila, wala dapat madamay na iba

"Masyado kasi syang pakialamera" sagot ni mae

"Sabihin nyo na kasi kung ano ba problema nyo?" pagmamatapang ko kailangan ko maging matapang at matatag

"Hindi mo ba talaga alam pwes sasabihin ko na sayo pinahiya mo lang naman ako sa mga classmate natin at ngayon ang tingin nila sakin bobo at ikaw na ang matalino" sumbat sakin ni mae

"Hindi ko naman sinasadya na matalo ka at laro lang yun, kaya anong kinakagalit mo sakin?" friendly game lang naman yun

"Para sayo laro-laro lang yun pero sakin hindi dahil simula nung dumating ka ikaw na yung matalino, ikaw na yung mabait, ikaw na yung maganda sa classroom at ikaw na yung bida tapos ako ano wala na lang. Hindi ako makakapayag nang ganun ganun lang yun" galit na sabi ni mae

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon