XLIX: Ligawan Kuno

87 1 2
                                    

Rain POV
Buong byahe namin ay tahimik lang kami hanggang sa makarating sa bahay namin. Wala talagang nagsalita kahit isa sa amin.

"Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" alok ko sa kanya habang tinatanggal ko yung seatbelt ko

"Okay lang ba?" nag-aalinlangan pa sya

"Oo naman, tara!" aya ko sakanya tapos pumasok na kami sa bahay at sa garden kami dumeretso

"Anong gusto mong kainin?" nakangiting tanong ko sa kanya

"Kahit ano" matamlay na sagot nya

Kumuha ako ng mga chips at nagtimpla ako ng juice tapos bumalik na ako sa garden.

"Kain ka muna" alok ko sa kanya at inilapag ko sa lamesa yung pagkain

"Salamat, ano kayang pwede natin gawin?" tanong nya sakin

"Magstar gazing kaya tayo" suggestion ko sa kanya

"Good idea!" nakita ko na yung totoong ngiti nya

"Wait kuha lang ako ng sapin at unan natin" tumayo na ako

"Tulungan na kita" tumayo na rin sya

"Sige tara" pumasok na kami sa loob

Kumuha kami ng sapin at unan.
Inilatag namin sa garden tapos humiga na kami.

"Red?" tawag ko sa kanya habang nakatingin sa langit

"Hmm?" sagot nya at kita ko sa gilid ng paningin ko na nakatingin din sya sa langit

"Kailangan mo ba talagang umalis?" malungkot na tanong ko sa kanya

"Depende!" simpleng sagot nya

"Depende?" pagtataka ko, depende saan naman

"Depende kung pipigilan mo ako" nangunot naman yung noo ko  "Joke lang depende kila mommy"  biro nya naman

"Dahil din ba sakin kaya gusto mong rin umalis?" tumingin ako saglit sa kanya at bumalik ulit sa langit

"Siguro para mawala na rin yung nararamdaman ko sayo, yun naman ang gusto mo diba? Wala naman akong magagawa kung hindi mo ako gusto hindi naman kita pipilitin" kahit pinipilit nyang maging normal yung pagsasalita nya nararamdaman ko pa rin yung lungkot sa kanya

"Pano kung ayokong mawala yung nararamdaman mo sakin at ayoko rin na malayo ka sakin" kailangan ko itong sabihin sa kanya para hindi na sya umalis sana

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" sabay tingin nya sakin pero ako nakatingin parin sa langit

"Red nung mga araw na iniiwasan mo ako at hindi pinapansin sobrang nalungkot ako, wala na akong gana kumain dahil naiisip kita, lagi kita hinahanap dahil sanay akong nandyan ka eh. Napaisip tuloy ako siguro nga tama si kuya" totoo ang lahat ng sinabi ko parang nawalan na ako nang gana sa lahat dahil nasa kanya ang atensyon ko

"Na ano?" tanong naman nya

"Na kailangan ko na magmove-on" sabay tingin ko sa kanya nakita ko na naman yung lungkot sa mga mata nya

"Seryoso ka ba o sinasabi mo lang yan para hindi na ako umalis" hindi pa rin nagbabago yung ekspresyon sa mga mata nya

"Parehas... Ayoko na pati ikaw mawala pa sa buhay ko, hindi ko na kakayanin. Tama ka/ kayo na kailangan ko na nga magmove-on" may tumulong luha na sa mata ko, lagi na lang ba akong maiiwan ng mga taong pinapapasok ko sa buhay ko

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon