XXIX: Pagkakaayos ng Barkada

159 4 0
                                    

Red POV
Alasais nang umaga ako nagising pagbangon ko tulog pa sila renz siguradong tulog pa rin ang mga girls, makapagluto nga muna. Paglabas ko nakita ko si rain sa kusina nagluluto na.

"Huy! Ako na dyan baka hindi ka pa okay" pag-aalala ko sa kanya pagkalapit ko sa kusina

"Ay! Kabayong palaka!... Bakit ka ba palaging nang gugulat?" gulat na tanong ni rain napatalon pa sya nang konti pero hindi sya tumingin sakin

"Nag-i-improve na ako dati kabayo lang ngayon may palaka na" pagbibiro ko sa kanya, ang gugulatin nya talaga

"Sira ka talaga! Ano pala ang gagawin mo dito?" tanong nya sakin habang hinahalo yung sinangag

"Magluluto sana ako kaso nagluluto ka na pala tsaka goodmorning pala hahahaha" parang nangyare na ito pero different place

"Hahahah goodmorning din" masayang bati naman nya, mukhang okay na sya

"Osya ako na dyan mamaya kung ano na naman mangyare sayo ako na naman sisihin ng boyfriend mo" lumapit na ako sa kanya

"Tsk! Wag mo na nga ipaalala tsaka patapos na ito, gutom ka na ba?" pagtanggi nya kaya naman hindi na ako nagpumilit pa

"Hindi pa naman pero sabay sabay na tayo kumain mamaya" umupo muna ako yung likod nya lang ang nakikita ko

"Hindi na ako sasabay sa inyo mamaya masumbatan pa nila ako at mag-away away na naman" pagtanggi ulit nya, may takot pa rin sya sa barkada nya

"Hindi naman siguro tsaka kung gagawin man nila sayo yun tanggapin mo kasi may kasalanan ka rin naman sa kanila" malumanay na paliwanag ko sa kanya, kailangan nya tanggapin kung anoman yung sasabihin ng barkada sa kanya

"Hay buhay nga naman, subukan ko kung kaya ko" napabuntong hininga sya

"Sige hindi kita pipilitin..... Oo nga pala mamaya sama ka samin" pag-aya ko sa kanya

"Saan naman?" naglagay sya ng asin sa sinangag na niluluto nya

"Dun sa falls, ang ganda kasi dun bago tayo umuwi punta muna tayo dun" last bonding namin na kasama sya para kahit papaano maging masaya naman sya

"Kayo na lang siguro baka pag sumama ako masira pa yung kasiyahan nyo" pagtanggi nya na naman, tatlong beses nya na ako tinanggihan ngayong araw

"Ang nega mo talaga, wag ka mag-isip nang ganyan basta mamaya sumama ka samin" pagpupumilit ko sa kanya, ngayon na lang sya mag-eenjoy tatanggi pa sya

"Pero ba---" rain

"Wala ng pero pero sasama ka" maotoridad na sabi ko sa kanya, nakita ko naman bumuntong hininga sya, napailing na lang ako
"Tapos ka na ba sa niluluto mo baka gusto mong tulungan na kita?" nag-aalala lang ako baka mabinat sya at mahirapan ulit huminga

"Wag na po, tapos na oh" pagtanggi na naman nya, pang-apat na, napabuntong hininga na lang ako

Sinalin na nya yung sinangag sa bowl at inilagay sa lamesa pati yung itlog, hotdog at bacon.

"Red sala--- Hala anong nangyare sa mukha mo?" halata sa mukha ni rain yung gulat at pag-aalala nang mapatingin sya sakin

"Wala naman bakit?" maang-maangan ko tapos napaiwas ako nang tingin sa kanya

"Anong wala tignan mo nga may mga pasa ka sa mukha tapos may sugat ka sa gilid ng labi at kilay mo" lumapit sya sakin para makita pa nang malapitan yung mga sugat ko sa mukha

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon