LXXXV: Kidnaping

95 3 0
                                    

After 2 days...

Nakapaglast bonding na sila malungkot man na may aalis pero kailangan nila itong tanggapin, kasi sabi nga nya para din naman sa kanila ang gagawin nya kaya hahayaan na lang nila. Mukha naman na wala na silang magagawa.

Nakita ni rain ang kuya nya na nakabihis ng pang-alis. At sa tingin nya may lakad ang kapatid nya nang hindi nya alam.

"Kuya saan po ang lakad mo?" takang tanong niya

"Sa airport" malungkot na sagot ng kuya nya

"Bakit ano pong gagawin mo dun?" dugtong na tanong nya

"Siguro karapatan mo din naman malaman ang lahat" paliwanag ni renz, hindi na nya kinaya na maglihim pa sa kapatid

"What do you mean kuya?" takang tanong naman ni rain

"Si Red aalis na, pupunta na sya sa France kasama ang family nya at dun na sya for good" malungkot paliwanag ni renz sa kapatid hanggang ngayon hindi pa rin sya makapaniwala na aalis ulit ang matalik nyang kaibigan

"What?" nagulat sya sa narinig nya

"Sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo, kasi nakiusap sya na kung pwede wag na daw sabihin sayo, eh ang kaso hindi kinaya ng konsensya ko, kaya sinasabi ko na sayo" paliwanag naman ni renz sa kanya

"What time his flight?" seryosong tanong nya

Tumingin naman si renz sa relo nya.

"I think after 2hrs from now" sagot ni renz sa kanya

"Let's go kuya, baka maabutan ko pa sya at mapigilan" pagyaya ni rain sa kapatid

"Okay tara na" pagsunod ni renz sa kanya akala nya na ang kapatid nya ang susi para pigilan ang kaibigan

Umalis na sila, binilisan ni renz ang pagpapatakbo ng sasakyan buti na lang hindi traffic at nakarating agad sila sa pupuntahan.

Pagdating nila sa airport ang mga kaibigan nila ang naabutan nila.

"Where's Red?" bungad na tanong ni rain sa mga kaibigan

"RAIN?!" nagulat naman ang mga kaibigan nila sa kanya dahil hindi nila inaasahan na darating ito

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni jacob sa kanya

"Pano mo nalaman?" dagdag na tanong ni jai

"Sorry guys hindi kinaya ng konsensya ko na itago sa kapatid ko ang tungkol dito" paliwanag ni renz sa mga kaibigan tapos tumabi sya sa kapatid nya

"Naiintindihan ka namin bro, syempre kapatid mo yan" sabay ngiti ni bob sa kanya

"Kailangan ko po makausap si Red" pagmamakaawa naman ni rain sa kanila

"Bunso relax, hindi pa sila dumadating" pagpapakalma ni joyce sa kanya

"Pero parang nandyan na sila" pagsingit ni franz ng mapansin ang van na paparating

May tumapat na van sa kanila at van nila red yun, pagbukas ng pinto lumapit agad sila magkakaibigan.

"Rain?" gulat na saad ni isabella sa dalaga

"Tito and tita nasan po si Red?" tanong agad ni rain sa magulang ni red

"I think malapit na sya" nakangiting sagot ni isabella sa kanya

"Hindi sya sumabay samin, dahil may dadaanan pa daw sya" kwento naman ni roberto sa kanya

"Ganun po ba" malungkot na sagot ni rain

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon