LXXXII: End Of The Game

73 4 0
                                    

Malapit na ang graduation. At ngayon ang simula ng graduation practice nila.

Papunta na si red sa SA ng may mapansin syang sulat na nakaipit sa wiper ng kotse nya.

Red,
I'm back akala mo tapos na ang laro natin, binigyan ko lang kayo ng panahon para makahinga lalo ka na alam kong hindi ka na makahinga ng maayos whahahaha.

Balita ko malapit na graduation nyo. May surprise gift ako sa kanila, paano kaya kung malaman nila na alam mo ang lahat ng nangyayari sa kanila. Pero kahit isa sa kanila wala kang pinagsabihan. Ano kaya ang magiging reaksyon nila?

A. Magagalit sila
B. Ipagtatabuyan ka na rin nila
C. Makikipaghiwalay sayo si rain
D. All of the above

~

Crinample nya yung papel at sumakay na sya ng kotse. Pagdating nya ng parking lot ng school nila ay bumaba na agad sya ng may biglang tumawag sa kanya.

0909****** is calling.....

[ Hello red long time no talk, namiss mo ba ako. Natanggap mo na ba yung sulat ko para sayo whahahahaha ]

"Bakit bumalik ka na naman!? Nananahimik na kami, wag mo na kami guluhin pa!" inis na saad nya

[ Well bumalik ako dahil may kailangan pa akong bawiin. Hindi ka pa ba susuko isipin mo dahil sayo may nangyayareng masama sa mga kaibigan mo or should I say mga kaibigan ko ]

"Walangya ka talaga! Hayop ka! Akala mo matatakot mo ako at iiwan ko sila, hindi mangyayari yun!" lumalakas na ang boses nya sa sobrang inis at masama ang tingin sa kung saan

[ Tignan natin kung hanggang saan yang tapang mo. Kung patayin ko kaya sila isa isa whahahaha ]

"T*ng in* mo! Wag na wag mong gagawin yan. Tumigil ka na! Tigilan mo na sila!!!" galit na sigaw ni red hindi na nya talaga mapigilan ang sariling magalit

[ Kung ayaw mo mangyare yan iwanan mo na sila at umalis ka na. Bibigyan kita ng panahon, dapat bago mag graduation wala ka na, wala akong pakialam kung saan ka pupunta basta iwanan mo na sila at wag ka na magpapakita pa, pag hindi ka sumunod buhay nila ang kapalit. ]

*END CALL*

Dahil sa inis nya pinagsususuntok nya yung puno na malapit sa kanya hanggang sa dumugo na yung kamay nya. Buti na lang walang tao nung time na yun sa parking lot.

Bago sya pumunta sa tambayan dumaan muna sya sa clinic para ipagamot yung kamay nya, alam naman nya na pag nakita ng mga kaibigan nya yung dugo sa kamay nya na sariwa pa ay mag-aalala ang mga yun sa kanya.

"Hi guys! Kumpleto na pala kayo" bati ni red pagdating nya sa tambayan nila at yung kamay nyang may sugat ay nakatago sa likuran nya

"Ngayon ka lang ata nalate sa usapan" panloloko ni jacob sa kanya

"Hirap kasi makatakas kay Bella. Hi Love!" pagsisinungaling nya, sabay upo sa tabi ni rain at hinalikan sa noo

"Wag nyong pagtatabihin yang dalawang yan, lalanggamin na naman tayo dito" pagbibiro naman ni sheng

"Naku magiging hangin na naman tayo dito" dugtong naman ni jai

"Mga baliw! Kamusta na pala si Bella?" sagot naman ni rain sa mga kaibigan bago humarap sa boyfriend

"Okay naman sya hinahanap ka nya sakin" sabay akbay ni red sa kanya

"Love anong nangyare dyan sa kamay mo?" nag-aalalang tanong ni rain sa boyfriend nya

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon