LXXI: Vission

83 3 0
                                        

Dahil wala silang teacher sa last subject nila nagkayayaan magbasketball sila renz at ang mga boys.

Naunang pumunta si red sa gym, nagsimula na sya magbasketball.
3points dito, dunk doon, takbo dito, rebound doon.

Pagkatapos nyang mag shoot ng three points dumating naman si renz.

"Mukhang namiss mo magbasketball Red" masayang saad ni renz pagpasok sa gym

"Medyo" sabay shoot ulit ni red ng 3points

"Yan kasi puro lambingan kayo ng kapatid ko" panunukso ni renz sa kanya

"Hindi kaya hahahahaha" natatawang pagtanggi ni red

"Sus deny pa more hahahaha.... Game 1v1 tayo" hamon ni renz sa kanya

"Sige game!" pagsang-ayon ni red sabay pasa ng bola kay renz

Nagsimula na sila maglaro, parehas MVP syempre parehas magaling maglaro pantay na pantay ang score nila.

Magshu-shoot na sana ng 3points si red kaso unti unting lumalabo yung paningin nya kaya napatigil sya.

"Bro okay ka lang?" pag-aalala ni renz sa kanya

"O-okay lang ako" pumikit pikit pa si red

Bumalik din naman sa normal yung paningin nya.

"Sigurado ka ba?" tanong ni renz sa kanya

"Oo, bigla lang lumabo yung paningin ko" kinusot ni red yung mata nya para masigurado nya na malinaw na yung paningin nya

"Maupo muna tayo baka nahilo ka lang" yaya ni renz sa kanya dahil nag-aalala ito na baka may nararamdaman pa syang iba

"Hindi na, okay lang ako, game na laro na tayo" pagtanggi ni red sabay tapik sa braso ni renz

"Sigurado ka ba----" renz

"Game na!" sagot agad ni red dahil ayaw nya na mag-alala pa ang kaibigan

Dumating naman na yung ibang boys at lumapit agad sa kanilang dalawa.

"Teka may problema ba?" tanong ni jacob nang mapansin na seryoso yung mukha ni renz

"Hindi wala wala. Game tara na!" hindi na pinansin ni red yung nangyare sa kanya kanina

"Oh 3v3 alam naman natin kung sino ang magkakampi" ganun din si renz hinayaan nya na lang ang bestfriend nya

"Oo naman, lagi naman magkateam ang magaling diba" pagmamalaki ni jacob sa team nila

"Tama ka dyan" nakipag-apir pa si clark kay jacob

"Tignan na lang natin" panghahamon ni red sa kanila

"Game na! Dami nyo pang sinasabi" pag-awat ni renz sa mga kaibigan

Nagsimula na silang maglaro, sina jacob, clark at franz ang magkakampi, samantalang sina bob, renz at red naman ang magkakampi. Syempre parehas nasa isang team ang MVP sila ang nanalo.

.

.

.

+ + + + +

Nasa club house ngayon sina rain at red sa village nila red. Naglalaro ng basketball si red habang nanonood naman sa kanya si rain.

"Love laro tayo" pag-aaya ni red kay rain habang nagdi-dribble

"Anong laro naman?" nakakunot noong tanong ni rain sa kanya

"Shoot and kiss" sabay kindat ni red sa kanya

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon