LVII: Ano! Sya si RJ?

121 4 0
                                    

Makakasama ngayon sa mall ang magbabarkada. Wala kasing pasok kaya ayan gala ang inaatupag nila ngayon.

"Red buti naman sumama ka samin" nakangiting tanong ni franz sa kaibigan

"Matagal ka na namin hindi nakakasama" dugtong ni clark

"Wala eh napilit ako" natatawang sagot ni red sa kanils

"Namiss ka kaya namin" sabay yakap ni jacob sa kanya

"Guys pasensya na kung umiiwas ako sa inyo nung nakaraan, hayaan nyo babawi ako sa inyo" paghingi ng tawad ni red sa mga kaibigan

"Hindi ka na ba iiwas?" tanong ni sheng sa kanya

"Oo hindi na" sabay ngiti ni red sa kanila

"Namiss ka naming kasama Red" sabay yakap din ni clark kay red

"Hindi kami sanay na wala ka, na kulang tayo" sabay ngiti ni lhean

"Namiss ko rin naman kayo, promise hindi na ako iiwas" pangako ni red sa mga kaibigan

"Diba sabi mo babawi ka" nakangiting saad ni jacob

"Oo bakit?" pagtataka ni red

"Ikaw ang manlibre ng tanghalian natin" masayang saad ni jacob

"Jacob puro pagkain ka na naman" reklamo ni jai sa pinsan ng boyfriend

"Oo naman no problem" pagpayag ni red

"Yun oh tara na kain na tayo hahahaha" si jacob lang ang masaya sa kanilang lahat

"Yun naman pala gutom na" napailing na lang si franz sa pinsan nya

Pumunta na sila sa Pizza Hut para kumain at dun pinagpatuloy ang kwentuhan na ilang araw nilang hindi nagawa sabay sabay.

"Nasan pala si Rain?" paghahanap ni red sa wala

"Uy hinahanap nya" tukso sa kanya ni jai

"Baliw nagtaka lang ako nandito ka tapos si Rain wala" paliwanag ni red sa kanya

"Hindi sumama may gagawin daw sya" si renz na ang sumagot syempre kapatid nya yun

"Jai may mga projects or assignment ba kayo?" tanong naman ni joyce kay jai

"Wala naman kaya nga nagtaka din ako kung bakit hindi sya sumama" sagot ni jai

"Renz alam nya ba na kasama ako?" tanong naman ni red kay renz

"Oo bakit?" sagot ni renz

"Alam ko na kung bakit hindi sya sumama" simpleng saad ni red

"Bakit?" tanong naman ni renz

"Syempre kasama ako diba galit yun sakin kaya siguradong umiiwas yun" malungkot na sagot ni red

"Hindi naman siguro Rj, sabi nya sa library lang daw sya eh" paliwanag naman ni renz sa kanya

"Uy myloves si Red yan hindi yan si Rj. Tsaka matagal na natin hindi nakikita si Rj namimiss mo na naman ang bestfriend mo" pagsaway ni joyce sa boyfriend

Tumawa naman sila red at renz.

"Bakit kayo tumatawa?" ayan nagtaray na si joyce

"Wait sinong Rj?" tanong naman ni jai

"Sya ba yung kinuwento nyo samin dati na puppy love ni Rain" tanong naman ni franz

"Oo sya nga" sabay ngiti ni renz

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon