XL: Paghihiganti

115 2 2
                                    

Third Person POV
Bago sila umuwi ng kuya nya dumaan muna sila sa hospital para magpa x-ray tapos nagdrive thru sila para bumili ng pagkain.

Kararating lang nila sa bahay nila at buhat buhat ni renz ang kapatid nya papunta sa sala nila.

"Dito ka lang muna wag kang aalis dyan at kukunin ko lang yung pagkain at gamit natin sa kotse" utos ni renz sa kapatid

"Opo kuya" sagot naman ni rain

Lumabas na muli si renz. Pagbalik nya kumain na sila at sinusubuan nya si rain dahil hindi nya pa maigalaw ang mga braso nya.

"Hmm kuya sorry ulit ha imbis na nasa school sana tayo ngayon eto tayo sa bahay at absent sa ibang subject" paghingi ulit ni rain nang tawad sa kuya nya

"Wag mo nang isipin yun basta ang mahalaga okay ka na at makapagpahinga tsaka kaya naman natin habulin yung mga lesson sa school" sabay subo ng pagkain ni renz

"Kahit na kuya dapat may practice ka pa mamaya pero eto ka inaalagaan ako" malungkot na sabi ni rain

"Syempre mas mahalaga ka kesa sa kahit anong bagay tsaka madali lang magpractice" sabay ngiti ni renz sa kapatid

"Hays lagot tayo kila daddy nito pag nakita nila akong nakaganito" tinignan ni rain yung mga nakalagay sa katawan nya

May benda kasi yung kaliwang braso at paa nya. At hindi na nya ito maitatago pa sa magulang nya.

"Ikaw kasi ang tigas ng ulo mo kung sinabi mo nang mas maaga na may umaaway sayo sana napigilan natin agad" sermon ulit ni renz sa kapatid

"Kaya nga po sorry na, alagain pa tuloy ako ngayon" paumanhin ulit ni rain

"Mas aalagaan kita kasi para ka na talagang baby na sinusubuan pa" pang-aasar ni renz sa kapatid

"Kuya naman eh" angal agad ni rain

"Joke lang. Ano akyat ka muna para magpalit kaya mo ba mag-isa?" tanong ni renz sa kapatid

"Mamaya na lang po siguro pag nandito na si mommy sya na lang magpapalit sakin, nakakahiya naman po kung sayo ako magpapatulong" natatawang sagot ni rain

"Hahahah sabi ko nga sige akyat muna ako para magbihis tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka" paalam ni renz sa kapatid

"Opo" sabay ngiti ni rain

Umakyat na si renz at si rain naiwan sa sofa nakasandal lang sya at nakataas ang isang paa. Maya maya bumaba na si renz at tumabu muli sa kapatid.

"Bunso may gusto ka bang kainin or anything?" tanong ni renz sa kapatid pagkaupo nya

"Wala naman po, tsaka kakakain lang po natin kakain na naman" pagtataka ni rain

"Alam ko kasing matakaw ka malay ko na gutom ka agad hahahaha" biro ni renz sa kapatid

"Ang sama mo kuya hindi naman po ako si Jacob. Don't worry kuya magsasabi naman po ako kung may kailangan po ako" nakangiting sabi ni rain

"Kung ganun ikwento mo na sakin kung ano ang pinag gagagawa nila sayo at sino sila?" seryosong tanong ni renz

"Wag na kuya. Wag nyo na rin patulan" pag-awat agad ni rain dahil alam nya kung ano ang pwede gawin ng kuya nya

"Okay hindi ko papatulan kakausapin ko na lang sila" pero kilala ni rain si renz alam nyang hindi ito palalagpasin ng kapatid

"Pero---" angal ni rain

"No but's Rain ikwento mo na" sumeryoso na si renz

Nagkwento na si rain sa kuya nya simula nung tinulak sya at nadapa sya hanggang sa nangyare kaninang pagkakahulog nya sa hagdanan.

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon