XXV: Ang Pag-aaway

124 4 0
                                    

Renz POV
Pagkatapos ko kumain umalis na agad ako sa cottage namin ayoko pa kasi makita si rain. Hindi ko naman matitiis ang kapatid ko pero kailangan nyang matuto nang leksyon kaya kailangan kong panindigan ang hindi namin pagpapansinan pero minamasdan ko pa rin sya baka kasi mamaya atakihin sya ng sakit nya.

Umupo muna ako sa may hagdanan para magpahinga saglit, madami din kasi akong nakain. Mabuti na lang medyo malilim dito sa pwesto ko hindi ako masusunog sa sinag ng araw.

"Myloves hanggang kelan kayo ganyan ng kapatid mo?" nag-aalalang tanong ni myloves tapos tumabi sya sakin

"Hindi ko alam myloves. Siguro hanggat hindi sya natututo" malungkot na sagot ko, mahirap para sakin pero kailangan kong gawin

"Ang pag-ibig nga naman talaga kahit ilang beses ka pang masaktan magmamahal at magmamahal ka pa rin ulit" ipinatong ni joyce yung ulo nya sa balikat ko

"Sinabi mo pa Hays!.... Kung normal lang si Rain pwede nya gawin yun pero hindi may sakit sya" inakbayan ko sya at tumingin sa mga taong nagbababad sa tubig

"Sa tingin mo ba kakayanin pa ni Rain pag nalaman na nya na niloloko lang ulit sya ni Arvin?" mabuti pa si myloves naniniwala sakin samantalang yung kapatid ko hindi

"Yung nga iniisip ko eh kahit naman may hindi kami pagkakaunawaan ay nag-aalala pa rin ako sa kanya" syempre kapatid ko sya kailangan ko pa rin sya alagaan

"Ano ang pinag-uusapan nyo lovers?"

Napatingin kami sa likod sila jacob lang pala kasama ang ibang barkada.

"Mukhang seryoso yan ha share nyo naman" nakangiting sabi ni clark, chismoso talaga sya

"Ang chismoso nyo talaga" panunukso ni joyce sa kanila

"Mga bakla talaga kayo" pang-aasar ko naman sa kanila

"Pero ano nga pinag-uusapan nyo?" tanong naman ni sheng na lumusong na sa tubig at humarap samin

"Hulaan ko tungkol kay Rain yan noh" umupo sa naman si dean sa tabi ni joyce

"Oo tama ka" sagot ko at lumusong na sa tubig yung boys pati na rin si lhean at humarap samin

"Sabi na nga ba eh, bakit naman?" pinapadyak ni dean yung paa nya sa tubig nang mahina

"Wala naman naawa lang ako sa kapatid ko. Bakit kailangan nya pa maranasan yung ganun?" bakit sya pa na mahina ang puso, bakit sya pa na bata hindi na lang ako

"Para matuto!" sagot mula sa likod ko

Napatingin kami sa likuran ko  si red lang pala, ngumiti sya samin at tumabi sya sakin.

"Matuto sa mga pagkukulang at pagkakamali nya para sa susunod na magmamahal ulit sya alam nya na yung mga dapat nyang gawin at handa na sya sa lahat" patuloy na paliwanag ni red na nakatingin lang sa tubig

"Wow ang dami mo talagang alam Red pero tama ka" pagsang-ayon ko sa kanya kailangan nga matuto ng kapatid ko

"Ang kailangan ni Rain ngayon ay matuto kaya hayaan natin sya na matuto mag-isa" paliwanag muli ni red

"Tama ka bro salamat sa payo" tinapik ko yung balikat nya

"Tama na ang drama magswimming na ulit tayo" bumaba na si red sa pool

Bumaba na rin kami sa swimming pool.

"Girls magready na kayo dahil kayo na ang maglalaro" paalala naman ni bob sa mga babae

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon