X: Ang sakit

171 4 0
                                    

Rain POV
Naalipungatan ako dahil parang medyo matigas yung sinasandalan ko at parang nakalutang ako kaya napadilat ako pagtingin ko buhat buhat ako.

"A-arvin?" tumingin sya sakin

"Mako magpahinga ka lang dadalhin na kita sa kwarto nyo" ngumiti sya sakin

"H-hindi na baba mo na ako kaya ko naman maglakad at gising na ako" pagtanggi ko, ayaw ko pa sya makausap at makasama

"Wag na alam kong pagod ka kaya magpahinga ka na lang" pagpupumilit nya

"Please Arvin ibaba mo na ako, please lang" seryoso kong saad napatigil naman sya

Tumitig muna na sya sakin bago nya ako binaba sa tapat ng pinto ng resthouse.

Pagtingin ko sa loob nakita ko nakatingin sila samin at kung nakakamatay lang yung tingin kanina pa ako patay sa sobrang sama ng tingin sakin ni berna.

"Why are you looking at us?" painosenteng tanong ko sa kanila

"Ang sweet nyo kasi eh" nakangiting saad ni sheng

"Nakakakilig rain" ganun din si lhean

Tumingin ako kay dean na nakakunot ang noo nya. Alam kong may alam na sya pero naguguluhan pa rin sya.

"Ewan ko po sa inyo, bakit hindi nyo po ako ginising edi sana hindi na nya ako binuhat" reklamo ko habang lumapit ako sa kanila

"Kanina ka pa kaya ginigising ni Red pero tulog mantika ka, bubuhatin ka na sana nya kaso sumingit yang jowa mo kaya sya na ang nagbuhat sayo muntikan pa nga---" mahabang paliwanag ni jacob na hindi nya na natuloy

"Jacob!" sigaw na sayaw nila

"Sorry!... Peace!" nagpeace sign pa si jacob sa kanila

"Ganun ba... Salamat Arvin sa pagbuhat sana hindi mo na yun ginawa" kahit papaano marunong pa rin naman ako magpasalamat kahit galit ako

"Okay lang boyfriend duty naman yun eh" nakangiting sagot nya sakin

Boyfriend duty eh pinili mo nga yung ex mo. Bigla nagflashback sakin yung nangyari kanina kaya namasa yung mata ko pero hindi nya dapat ako makita umiyak lalo na ang barkada kaya ngumiti na lang ako nang pilit.

"Ahm punta lang po ako sa kusina" paalam ko sa kanila

Naglakad na ako papunta sa kusina, nakasalubong ko si kuya at napahinto ako dahil sa sinabi nya.

"Sige kumain ka na dyan, pagkatapos mo kumain kakausapin pa kita" seryosong bili nya sakin na kinatakot ko

"T-talk about what kuya?" painosenteng tanong ko

"About what happened earlier but now eat first at kayo naman umakyat na kayo at magpahinga na" seryosong sabi nya, mainit pa rin ang ulo ni kuya

"Nahahawa ka na sa kapatid mo mag english" biro ni jacob

"Sige na akyat na" hindi sya pinansin ni kuya at seryoso pa rin sya

Dahil sa sinabi ni kuya napalunok bigla ako at napabuntong hininga. Sila naman ay umakyat na pero hindi ko nakita si red. Nasan kaya yung pulang yun. Bakit ko ba sya hinahanap hays. Kaya dumeretso na ako sa kusina pagdating ko dun nakita ko si red na nakaupo at umiinom ng tubig.

"Nandidito ka pala" bungad ko sa kanya pagpasok ko sa kusina at napatingin sya sakin

"Gising ka na pala" balik na sabi nya sakin sabay inom

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon