LXXIII: Christmas

64 3 0
                                    

Ang bilis ng panahon at pasko na. Nasa mall ngayon ang magkakaibigan para mamili ng mga gagamitin nila para sa christmas party na gagawin nila.

"Ready na ba kayo mamaya?" masayang tanong ni joyce sa mga kaibigan

"Oo naman kami pa ba" nakangiting sagot ni franz

"Ang galing po noh! Desperas ng pasko po yung anniversarry ng barkada nila daddy" hindi makapaniwalang saad ni rain

"Oo nga pero kailangan maging successful ang event natin para sa kanila mamaya" paliwanag ni red habang naka-akbay sa girlfriend

"Siguradong successful yan" confidence na sagot ni jacob

"So pano maghiwalay hiwalay muna tayo para makabili na tayo ng mga regalo" utos ni renz sa lahat, yun din naman ang napagkasunduan nila

"Sige magkita kita na lang tayo sa starbucks ng 3pm" sagot ni red, ala-una na kasi katatapos lang din nilang maglunch

"Sige sige" sagot naman ni bob

"Bye!" paalam naman ni clark

Nakipagbeso at nakipagfistbump sila sa bawat isa tapos naghiwalay hiwalay na sila at nagkanya kanyang pasok sa mga store na pwede nilang bilhan ng regalo.

.

.

.

Red POV
Nauna akong matapos mamili kesa sa kanila kasi ako pa lang ang nasa starbucks, ilang minuto lang ang nakalipas ng dumating ang babaeng pinakamamahal ko.

Nakangiting sinalubong ko naman sya at tinulungan sa mga bitbit nyang mga paper bag.

"Ikaw pa lang?" tanong nya sakin pagkaupo naming dalawa

"Oo eh, alam mo namang matagal talaga silang mamili" kahit saan naman matagal sila palagi

"Sinabi mo pa, wait order lang ako" paalam nya sakin habang kumukuha ng pera sa bag nya

"Ako na love, dito ka na lang" pagpigil ko sa kanya at tumayo na ako, syempre hindi ko naman hahayaan na gumastos sya

"Sige, thanks love" inayos nya na yung bag nya at ngumiti sakin, isang ngiti nya lang bayad na sya sakin

Umorder na ako ng paborito nya, then bumalik na ako sa pwesto namin.

"Ito na ang order ng pinakamamahal ko" inilapag ko yung inumin sa harap nya sabay kindat sa kanya

"Ewan ko sayo, pero thank you ulit" ngingiti ngiti na sabi nya, alam ko naman na kinilig sya

Binasa nya yung pangalan na nakasulat sa inumin nya.

"RD Buenavista? Millares po kaya ako" tumawa naman sya

"Future Buenavista" nagtaas baba ako ng kilay, wala na akong gustong makasama habang buhay kundi sya lang

"Mga pakulo mo talaga RJ" nakangiting napailing na lang sya sa ginawa ko sa inumin nya

"Nakabili ka ba nang lahat ng kailangan mo?" baka kasi may nakalimutan pa sya, mamaya na kasi yung party namin

"Opo nakabili na po ako" sabay inom nya sa binili ko sa kanya

"Good! Meron ba ako dyan?" masayang tanong ko sa kanya

"Oo naman ikaw pa ba" sabay ngiti nya, wala naman problema kung wala akong regalo sa kanya dahil sya pa lang sobra sobra na

"May tatanong ako sayo" wala na kasi akong maisip na topic kaya eto na lang

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon