Red POV
Simula nung nagkausap kami ni rain, lagi na kami nag-uusap, marami akong nalaman sa kanya kaya mahal na mahal sya ng barkada nya kasi hindi lang sya mabait, makulit din sya at mapagmahal tsaka ayaw nya nang may nag-aaway at madami pang iba.Nandito nga pala kami ngayon sa Camp John Hay, kami nila rain, berna, arvin at dean nakaupo sa piknik table, yung iba naman ay nagzipline.
Magzizipline dapat kaming lahat kaso si rain pinagbawalan nila renz kaya nagpaiwan sya, si arvin naman sinamahan nya si rain, si berna bigla umayaw kaya ako no choice sasamahan ko na lang sya, si dean naman ayaw nya natatakot sya kaya nagpaiwan na lang din.
"Guys punta lang akong restroom" paalam ni arvin samin
"Sige lang bro" sagot ko
Tumayo na sya at umalis na, biglang tumayo rin si berna.
"San ka pupunta babe?" tanong ko sa kanya
"Wala kang pakialam hindi ko kailangan magpaalam sa inyo" mataray na sagot nya tsaka sya umalis
"Grabe talaga yang si Berna, ang sama nang ugali" inis na saad ni dean, alam ko naman na hindi talaga sila magkakasundo
"Red is she always like that?" tanong naman bigla ni rain sakin
"Minsan ganyan sya lalo na nung nakaraang araw" pag-amin ko sa kanya, mataray naman talaga si berna noon pa
"Buti nakakayanan mo yang ugali ni Berna" pagtataka ni dean
"Siguro nasanay na rin tsaka mahal mo eh kaya babaliwalain mo na lang" paliwanag ko sa kanya, pag mahal mo masama man sya o hindi mamahalin mo pa rin sya
"You're right!" nag-apir kami ni rain "Ganyan din ako, syempre mahal mo kaya hindi mo na lang papansinin yung mali nya" pagsang-ayon nya sakin
"Ganun naman talaga siguro pag mahal mo ang isang tao kahit masaktan ka at masama ang ugali nya tatanggapin mo pa rin kasi nga mahal mo eh" paliwanag ko sabay ngiti ko sa kanila
"Tama, sabi nga nila love is blind" pagsang-ayon naman ni rain
"Alam nyo bagay kayong dalawa" nakangiting saad ni dean
"Baliw! Kung ano ano po iniisip mo" natatawang sita ni rain sa kanya
"Bagay kayo, parehas kasi kayong sobra magmahal pero bagay talaga kayo" kinilig bigla si dean habang nakatingin samin ni rain
"Hahahah ewan ko sayo dean" napailing na lang ako sa sinabi nya
Medyo naging malapit na rin ako sa kanila simula nung araw na nagkausap ako ni rain. Hindi naman sila mahirap pakisamahan kaya nga nagtataka ako na hindi sila kasundo ni berna.
"Para kang baliw talaga, oh sya punta lang akong restroom maiwan ko muna kayo dito" paalam ni rain
"Sige mag-ingat ka R tanga ka pa naman hahahah" biro ni dean sa kanya
"Hahahah grabe ka naman sa kaibigan mo" natatawang saad ko
"Ganyan talaga yan sanay na ako" nakangiting sabi ni rain tsaka sya tumayo
Sa pagtayo nyo nakita ko yung phone ni arvin na nasa upuan katabi ni rain.
"Rain sandali yung phone ni Srvin oh naiwan" tinaas ko yung phone para makita nya
"Dyan na muna yan, babalik din naman yun maya maya" naglakad na sya pero pinigilan sya ni dean
"Dalhin mo na, baka makasalubong mo sya, ibigay mo na lang" pagpipilit ni dean sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/125432138-288-k498245.jpg)
BINABASA MO ANG
Love and Sacrifice
FanfictionHow far can you give for love? What can you do for your loved ones? Are you willing to sacrifice your love and life? Will she choose her past because they made a promise to each other or will she choose her present that fulfill what she miss from t...